AD SPACE: Peyups.com
Isyu 1
Abril 2, 2001
 

Home
This Issue
Tinig 101
Staff
Contribute
Guestbook


Word war
ni Ms. Angel

Sa tuwing pumupunta ako sa banyo ng eskuwelahan namin, hindi na bago kung sakaling may makita akong mga sulat at ewan ko ba kung anong dahilan at ninanais nilang sulatan ang lugar na hindi naman kanila.

Masasabi ko na iba na talaga ang takbo ng utak ng mga kabataan ngayon. Hindi ko mawari kung bakit kailangan pang isulat ang pangalan ng taong kaaway mo at sabihan ng, "Hoy, P*kp*k, tigilan mo ako! Walang hiya!!!!! Hostess!!!" kung sa palagay mo naman ay kaya mo itong labanan ng harapan?

Bakit ba nauso ang VANDALISM? May maganda ba itong naidudulot sa ating kapaligiran, lipunan o sa pag-uugali man nating mga kabataan?

Sabi nga ng titser ko, ang VANDALISM daw ay isang senyales ng INSECURITY ng isang tao. Kung ikaw ay may tiwala sa iyong sarili, hindi mo na kinakailangang isulat pa ang iyong pangalan sa pampubliko o pribadong pag-aari upang lalo lamang makilala.

Hindi ito daan sa kasikatan, ngunit sa KASIRAAN ng iyong personalidad. Hindi man natin paniwalaan, ngunit totoo.

Sana naman ay matauhan ang bawat isa sa atin, nagba-VANDAL man o hindi, na bilang mga edukadong kabataan, dapat maunawaan na natin ang TAMA sa MALI, nang sa huli ay hindi tayo magkasiraan at mag-away sa pananalita at panulat--sa dingding ng banyo o sa upuan ng bus.

==========
Si Ms. Angel ay isang high school student at taga-Cavite.

 




Copyright © 2001 Tinig.com
All rights reserved.


In this issue:

Mula sa Patnugot:
Sa wakas, ang Tinig.com!

Pogi ako! ni Noli Pasco

Tinig ng Generation txt
ni Ederic Peñaflor Eder

A tidal wave of loving memories by Tina Briones

There in EDSA by Noel Pascual

Desperately seeking Imee Martinez by Tembarom

Ang paglalakbay ni killerpogi

My name won me friends

Word war ni Ms. Angel

Maikling Kwento:

Kurakot Boy ni Boyet Caparas