Isyu 1
Abril 2, 2001
 

Home
This Issue
Tinig 101
Staff
Contribute
Guestbook


Ganito Natin Sila Gagawing Pulutan
ni Jun Lisondra

Ganito nila tayo tinitignan,
Mga kamanlilikha ng talinghaga.

Pulutan sa inuman
Na itinutulak ng bawat lagok ng alak,
Papuntang bituka
Palabas ng tumbong.
Sa pagkukunwaring
Pag narinig nila tayong tumutula,
Ay inaaruga na rin nila ang buhay nating
Inukit sa sugat.

Kakatwa tayo sa kanilang paningin ---
Wirdo, praning, flip, sira ulo, topak, buwang.
At higit sa lahat,
bastos.

Bastos tayo kung tawagin nila dahil inaawit
Natin nang harapan ang mga katagang
Ipinagsisigawan nila nang talikuran ---
Fuck, dick, cunt, bullshit.

Kaya nang hindi sila masaktan,
Hindi natin babanggitin sa kanila
Ang mga regla at uwang sa gitna ni Mabanglo,
Gayon din ang mapagkunwaring
Pakikipagdyugdyugan kay Bautista.
Mas lalong higit na di natin babanggitin
Sa kanila ang mga nag-aapoy na bulbol
Ni Almario.

Sa halip,
Tutula tayo sa kanila
ng mga pagyayabang
ng mga sinaunang taga-is-is ng puwet ng kaldero.
Sasabihin natin sa kanila ang talinghaga
Ng mga patay. Kaya tutulaan natin sila ng tungkol
Sa pag-irog,
Ng tungkol sa mahinhing pagpigtas sa mga talulot ng rosas ---
Mahal kita,
Hindi kita mahal,
Mahal kita,
Hindi kita mahal ---
Ng tungkol sa pagyayakapan sa bukang-liwayway,
Ng tungkol sa pakikipagkaladyaan sa mga batis, pilapil at parang,
Ng tungkol sa mainit at malagkit na pakikipagsumpaan
Matapos makipagkangkangan sa minamahal
Na pagdadamutan ng kumot at unan.
Ganito natin sila gagawing pulutan,
Tuwing tayo'y kanilang pinagkakatuwaan.

Feb 10, 2000

===========
Si Jun, 26, ay isang researcher sa OPI




Copyright © 2001 Tinig.com
All rights reserved.


In this issue:

Mula sa Patnugot:
Sa wakas, ang Tinig.com!

Pogi ako! ni Noli Pasco

Tinig ng Generation txt
ni Ederic Peñaflor Eder

A tidal wave of loving memories by Tina Briones

There in EDSA by Noel Pascual

Desperately seeking Imee Martinez by Tembarom

Ang paglalakbay ni killerpogi

My name won me friends

Word war ni Ms. Angel

Maikling Kwento:

Kurakot Boy ni Boyet Caparas