Isyu 1
Abril 2, 2001
 

Home
This Issue
Tinig 101
Staff
Contribute
Guestbook


Hindi na ako mag-aalay ng tula sa iyo
ni Jun Lisondra

mahal,

hindi na ako mag-aalay ng tula sa iyo,

kung sa bawat talinghagang iaanak ng aking mga titig

ay may dilim na sasalubong,

   may mga matang pipikit.

 

hindi ako hihiling ng yakap ng Katanghalian.

masaya na ako sa silahis

na ipagbubuntis ng iyong mga mata.

masaya na ako sa isang saglit na pagmulat mo,

kung sa isang saglit na iyon

ay bubulwak sa iyong panandaliang pansin

ang mga patak ng kamalayang

magtataboy ng uhaw sa aking mga anak,

   sa aking mga talinghaga.

 

magkakasya na ako doon.

 

dahil ano pa ang silbi ng pagpapatalas-talim

ng aking diwa, kung sa bawat kamangmangan

na kinikitil nito'y patuloy

    kang nakatalikod,

         nakapikit,

         nagsusumiksik sa likod

             ng iyong mga malamig na balintataw?

 

mas nanaisin ko pang mag-alay ng talinghaga

sa mga pusali't putikan,

sa mga estero't lansangan,

dahil kahit maghapon at magdamag ko silang tulaan,

hinding-hindi nila ako pipikitan.

 

hinding-hindi,

    mahal.

 

 




Copyright © 2001 Tinig.com
All rights reserved.


In this issue:

Mula sa Patnugot:
Sa wakas, ang Tinig.com!

Pogi ako! ni Noli Pasco

Tinig ng Generation txt
ni Ederic Peñaflor Eder

A tidal wave of loving memories by Tina Briones

There in EDSA by Noel Pascual

Desperately seeking Imee Martinez by Tembarom

Ang paglalakbay ni killerpogi

My name won me friends

Word war ni Ms. Angel

Maikling Kwento:

Kurakot Boy ni Boyet Caparas