Ang Nais Mabatid ng mga Kabataan

Itong ating bayang Pilipinas, na dating pinamamahalaan ng mga mananakop, ay hitik ang kasaysayan sa mga kuwento ng pagsalunga at pakikibaka. Noo’y nilabanan ng mararahas na mga anak ng bayan ang mga Kastila, Amerikano at Hapones na nang-alipin sa atin. Gayundin, ilang dekada na ang nakalilipas nang ang mga mamamayan ay mag-alsa at sipain palabas ng Palasyo ng Malakanyang ang isang diktador. Karamihan sa ating mga kabataan ngayon ay paslit pa lamang noong maganap ito. Ngunit ilang taon pa lamang ang nakalilipas, tayo man ay nakibahagi sa isang pag-aalsang muling nagpatalsik ng isang perwisyong Pangulo.

Nasaksihan at sinalubong natin ng pagbubunyi ang pagluklok ni Gloria Macapagal-Arroyo sa Palasyo. Sa noo’y matamis niyang dila ay nangako siyang lalabanan ang kahirapan, iaangat ang pamantayang moral sa pamahalaan, itataguyod ang bagong politika, at magiging isang mabuting modelo ng malinis na pamamahala.

Mahigit limang taon na mula nang ito ay mangyari. Ngunit ano ang kinahinatnan ng pamamahala ni Ginang Arroyo? Lalong nagutom ang mga Pilipino, nangibabaw ang mga trapo, at nagsunud-sunod ang mga paratang ng katiwalian sa Unang Pamilya.

Sa lahat ng ito, may nakikita ba tayong pagtupad sa mga pangako? Wala, kundi pawang kataksilan. Sa halip na ipinagakong kagalingan, binaha tayo ng mga kasinungalingan at pagbaluktot sa ating mga pagpapahalaga.

At kung tayo’y mangahas na ipahayag sa mga lansangan ang ating pagnanais na mabatid ang katotohanan sa likod ng mga kontrobersiyang gaya ng “Hello Garci”, ang nagiging kasagutan ay kamay na bakal. Ang bawat isang himutok na ating ilabas ay itinuturing napakalaking kasalanan at agad tinatapatan ng mala-hayop na kabangisan. Ngayong unti-unting inaalis ang ating karapatan, ngayong pilit na tinatakpan ang katotohanang nais mabatid ng mga kabataan, ano ang dapat nating gawin?

Ang liwanag ng araw na sumisikat sa Silangan ay nagtuturo sa atin ng makatarungang landas na dapat nating tahakin. Itinuturo ng katuwiran na magkaisa sa paghahanap ng lunas sa naghaharing kasamaan sa ating bayan.

Panahon na ngayong dapat na lumitaw ang liwanag ng katotohanan; panahon nang ipakita na tayo’y may hiya, puri at pakikisangkot. Panahon nang muling isiwalat at balikan ang tila nakalimutan nang mga dakilang aral ng mga nakalipas na pag-aalsa. Dapat nang kumilos tungo sa katotohanan, katarungan, at kalayaan.

Muli nating gisingin ang tila natutulog na kaisipan at kusang gugulin ang ating lakas sa pagsusulong ng tunay na ikabubuti ng ating bayan. Lumabas tayo at makisangkot.

Published by

Isang e-zine para sa mga kabataang Pilipino ang Tinig.com. Naglalathala ito ng mga personal na sanaysay, tula, dula, maikling kuwento, balita at lathalain, komentaryo tungkol sa pambansang usapin, at iba pang akda ng mga kabataang Pilipino.

23 thoughts on “Ang Nais Mabatid ng mga Kabataan”

  1. sinasabing kabataan ang pag-asa ng bayan na ang kabataan ang magsasalba sa bayan subalit parang bumabaliktad ang mundo. tila baga maraming mga kabataan ang patuloy na gumagawa ng mga bagay na magpapahirap sa ating bayan subalit hindi dapat panghinaan ng loob. sana sa pamamagitan ng mga boses ng kabataan ay magbigay-daan sa kaliwanagan at kapayapaan.

  2. ewan ko ba??!!! basta ang alam ko kami bilang kabataan ay malaki ang maiitulong..
    kahit ganito lang kami..
    sana malaman nila un….

  3. hiiiiiiiiiii pwede po ba akong makahingi ng isang talumpati na isang mahaban talumpati tungkol sa kabataan!!!!!!!! sana po mabigyan nyo po ako ng isang talumpati SALAMAT!!!!!!!!!!
    YONG TALUMPTI AY GAGAMITIN KO PO SA GAGAWIN NAMIN SA PAARALAN!!!!!!!!!!!!!

  4. YAHHH.YOUR RYT…AS FAR AS I KNOW PO IS WE,,THE KABATAANN’S IS A BIG HELP TO OUR COUNTRY SO OTHERS SHOULD DO THEIR PART….

  5. ano ba naman ang mga Pilipino??>..kung titingnan niyo lang hindi iyong mga masamang nagawa ng ating administrasyon,mapapansin niyo na higit na may mga bagay,magagandang bagay na naidulot sa atin ang administrasyon ng pangulong GMA..//..be fair sa mga bagay-bagay,wag laging nakapikit ang mata niyo sa isa samantalang binabantayan niyo agn isa pa…kahit hindi ko ganap na nararamdaman ang kasaganaan na dapat na maidulot sa atin ng ating kasalukuyang pamahalaan,tinitingnan kong mabuti ang mga bagay na hindi nangyari noon sa mga nakaraang administrasyon… think of it…be fair…everything has two sides…

  6. Hello po!pwede po kaya me makisuyo sa inyo kasi sa oct 8 po may skul contest ang mga bata tungkol po sa oratorikal.Makikisuyo po sana ako if k lang po na pakigawa po ng orihinal na komposition tungkol sa Kabataang Pinoy :Iba tayo ngaun sana po mapagbigyan po ninyo ang munting hiling na ito. maraming salamat po email nalang po ninyo . e2 po email ko judyedillon_29.
    Tnx

  7. Nakakalungkot mang isipin pero ayon na rin sa akin nakikita at naririnig ay totoo ang inyong mga sinabi!pano babangon ang ating bansa kung ang mismong namumuno dito ay walang isang salita. mamatay na lang ba tayo na walang ibang naririnig kundi ang walang katapusan pangako na naging isa nang kasinunggalingan dahil kahit kailan ay hindi na ito naging totoo!
    hindi makakapayag ang mga kabataan tulad ko na ulit-ulitin na lng ng mna nasa posisyon ang mga masamang gawain at pananamantala..kailan babangon ang pilipinas?kailan tayo kikilos para sa atin inang bayan?hahayaan na lang ba natin ang mga nangyayari?papanoorin n lang b natin ang patuloy na pagbagsak ng ating bayan?

  8. dhil sa malawak at curiousity ng kabataan,,marami taung natututunan….
    ang bawat karapatan ay my katumbas na responsibilidad..

  9. hello po.!! pwede po bang makahingi ng mahabang talumpati tungkol sa kabataan? pls naman po, gagamitin ko po kasi ito sa paaralan namin.. proyekto po namin.. hMm..

  10. halu poh..
    pede po bang kopyahin ang talumpating ito…
    proyekto lang po namin sa filipino…
    hehhehhe

    maraming salamat poh…

    MABUHAY ANG KABATAANG PILIPINO!!!

  11. magsikap tayong lahat para sa kaunlaran ng ating bansa…..ika nga mga kabataan ang siyang pag-asa ng bayan

  12. yah,kabatan ang pag asa ng bayan,but how could it be kung puro katiwalian lamang ang ginagawa ng mga nasa posisyon,they only grab the oppurtunity to corrupt.paano na ang mga kabataan kung gayong ang sinasabing model ay bad influence din,hope may pagbabago na

  13. oo nga…..ang kabataan katulad ko ay isang malaking salik upang matugunan ang ating naghihingalong Pilipinas. Pero paano na kung maging ang ang aking mga kababata ay napagmasdan at huli sa aktong bisyo ang nagpapabusog sa umaga,tanghali at gabi……….
    paano na………droga………..alak…………..sigarilyo…………
    Maraming winawaldas sa buhay……….pera maging ang kanilang panahong mabuhay ng may dangal at kapayapaan…………….
    saan na ang mga sinasabing bagong bayani ng ating henerasyon?………..maging sila ba ay tinatago sa kasuluk- sulukan ng ating maliit na mundo na ngayo’y dumidilim kahit hindi gabi?
    asan n sila…….?kung kailan pa sila kailangan ay doon pa sila mawawala…………anino lang ba sila sa ating lipunan o dahil malapit nang mawalan ng liwanag ang ating umaga dahil sa pag-asang hindi na matanaw lula na sa sukdulang dilim…..?
    kailan kaya ang mundo mababago……….?dasal lng ba ang katapat……….?o mas mabisang sandata ang likas na kakayahan upang maituwid ang makitid ang liku- likong daan tungo sa pagbabago at kaunlaran?hindi kya ay ang ating pagkakaisa ay walang bisa o talagang hindi ito namayani sa puso’t isipan nating tatak ay pagkamakabayan………..?

    kailan kaya darating ang panahon na lahat ng nilalang ay maglalakad ng magkahawak kamay kahit mn sa hindi mabilang na baku- bako at masikip na tulay na malapit nang maputol lubid sa magkabilang dulo…….?

    minsan napag-isipan kong salat mn sa yaman ang isang bansa ay hiyas pa rin ito kung ituring kasi hindi lng nabibigyang- pruweba ng ekonomiya ang pag-usbong ng luntiang bansa. maisasalin mo ang indayog ng ritmo meron ang musika……gaya ng apoy na kung hindi na nagliliyab ay hindi nangangahulugang wala ng posibilidad na ito’y mag- alay ng liwanag gabay natin sa tuwinang naliligaw sa ating tinatahak…………….ang bansa ay mahihinuhang maunlad kahit kapos man ay masaya, tumitingkad ang kapayapaan sa bawat ngiti at nag-uumapaw ang pagmamahal sa isa’t isa……………..

    tayo ang puno sa lahat…………..sino naman ang dulo sa lahat ng ito?ang mga hayop ba na gumagala,ang kalikasan ba, o ang nasa itaas ba?talaga namang tayo pa rin, tao, ang mananagot sa kalat na ating iniwan kung saan-saan………..hinandugan na nga tayo,tayo pa ang aabuso kung kaya hamon ito para sa ating lahat na kumpunihin ang nabulok at nasira…….sana ngayon nya at huwag nang ipagpabukas pa…………………….sana????

  14. hai…sana may maaasahan pa tayo ngaun sa mga kabataang naliligaw narin ng landas.
    sila bang puros sugal ang alam?
    sila bang kung makapag salita sa magulang ay tila matanda pa sa kanilang lolo at lola?
    sila ba na pinag-aaral ay nadoon naglalakwatsa! ni hindi nanghinayang sa kinita ng kanilang ina’t ama,
    sila ba ang aasahan natin na magsasalba sa kahirapan, kasadlakan ng ating bayan?
    alam kong hindi lahat ay kagaya nila nginit ang ilang bang natitira ay makakayanan labanan ang pader ng kahirapan? na pinamumunuan ng huwad na nakaupo sa pinakamataas na teritorya?

  15. isa pang karagdagan sa sinasabing pag-asa RAW ng bayan……..
    paano kaya naipararating ang mga hinaing ng bawat isa sa atin kung ang kamay ay nakagapos? at ang mga bibig ay may busal,
    paano tayo tutungo sa dulo ng katarungan kung hindi pa man nakakakalahati ay pinutol na ang daan.
    wala rin nakikinig sa binging gobyernong ating kinabibilangan.
    hindi rin sila marunong tumanaw sa nasasadlak na si juan, sapagkat nasisilaw sila sa perng nasa kanilang harapan…
    anong kilos paba ang ating magagawa?
    anong silbi nating dusa ang napapala sa paghahanap nitong kalayaang itinabi sa banga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>