Naniniwala ang Angat Buhay Foundation na dapat angat ang lahat — sino man ang minamahal o anuman ang pagkilala sa sarili.
Maligayang paggunita ng Pride Month sa mga Pilipinong miyembro ng lesbian, gay, bisexual, trans, queer plus community (LGBTQ+ community), at sa lahat na naninindigan para sa pagkakapantay-pantay!
Marami sa mga partners at komunidad ng Angat Buhay, at ilan din sa aming mga staff, ay mula sa LGBTQ+ community. They are teachers, development workers, doctors and medical frontliners, drag queens, and youth volunteers who, in their daily lives, contribute to their community and to nation-building.
Angat Buhay commits to being a safe space for persons of diverse sexual orientation, gender identity, gender expression, and sex characteristics or SOGIESC — not just for Pride Month but every day of every month. Bawal ang pagmamata at diskriminasyon sa itinatayo nating pinakamalaking volunteer network sa bansa.
Angat Buhay also expresses support for the SOGIE Equality Bill and stands with the community’s call for protection. It is notable that our founder and chairperson Atty. Leni Robredo was one of the prime movers of the measure when she served in the House of Representatives.
Angat buhay ang lahat kapag pantay-pantay ang lahat — anuman ang kasarian, oryentasyon, o paniniwala.