Natigmak ng dugo mo, Ka Bel,
ang buong lupaing inararo’t kinandili
ng iyong pag-ibig. Nahinto ang nguya
ng makina sa bukid. Napatid ang indak
ng maso at karit. Maging sa huling sandali,
bayani kang nagsilbi. Ilang bubong na ba
ang iyong nakumpuni? Ilang bagyo na ba
ang iyong sinalubong, maisilong lang kaming
giniginaw at gutom? Ilang ulit ka na ba nilang
tinalian, sa bawat mong pagtatangkang
kami’y kalagan? Sa palasyo ng mga lakan,
walang sirang bubungan. Bagaman
abala ang lahat na takpan ang mga siwang
na tinatagasan ng mga katotohanan.
Hindi tulad mo, kaya nilang umupa
ng mga karpintero, mekaniko’t arkitektong
milagroso. Masdan mo at misteryosong naglaho
ang mga tagas, bakbak at lubak sa palasyo.
Subalit ikaw, hanggang sa huling yugto
ng payak mong pamumuhay sa mundong
ang kapayaka’y tila pa kapintasan,
hawak mo ang kaibigang martilyo at pakong
hindi ginto. Walang gintong isasabay sa iyong kabaong.
Anakpawis kang magbabaon ng aming panaghoy.
ba nilang