10:15 AM
At my desk

Ang puwit ko’y hindi kanto ng mesa
na lagi n’yo na lang sinasagi at binabangga
Hindi mousepad ang balikat ko’t braso
na sinasalat, hinihimas ng palad n’yo
Hindi rin memo o itinerary ang hita ko
na tinititigan at pinag-aaralan n’yo
Lalong hindi armrest ng swivel chair ang utong ko
na dinudunggol niyang malikot ninyong siko
Huwag n’yo naman akong daanin sa pa-dinner-dinner
na ang laging kabuntot ay let’s go somewhere

Sir,
Babae po ako. Katulad din NG INA MO (!)

Oliver Carlos

Si Oliver ay kasapi ng Dekada80 Movement (UE Chapter), isang organisasyon ng mga aktibista ng Dekada 80 na naglalayong kabigin at muling ipaloob sa Pambansa Demokratikong pakikibaka ang mga dating aktibista...

Leave a comment

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.