Karimlan ang tawag
sa kariton na nakahimpil sa sulok ng bangketa–
inaring kanlungan
ng limang-taong-gulang na kamusmusan;
sa tutop-sikmura,
naaanggihan niyang pagdakip sa tulog
sa gitna ng ungol, lumbay na hele,
umid na ihip ng kawalang-katiyakan.
Karimlan ang tawag
sa ikinukumot niyang pusikit at malawak na dilim–
na mabilisang hinihiwa
ng liwanag galing sa lumilikong mga sasakyan.
sa tuwing nakakakita ako ng mga batang lansangan, di ko maiwasang murahin ang gobyernong ito. dapat wala sila sa lansangan e. dapat may kinabukasan sila e. dapat. dapat.
Kahabagan sila ng Diyos! Silang nagpapatawag na Ina ng bayang ito. Silang ang nagsisinukal sa kanilang mga dibdib ay hindi gatas. . . kundi apdong tigib ng pait!