napapaigik ang buto’t balat
na kabayo,
sa tuwing ihahampas
sa likuran nito ang latigo.
kailan pa nga ba
maghihilom
ang mga latay na tinamo,
kung doon din sa dating sugat
hahampasin ng kutsero?
lugmok na sa pagod
hinahampas pa rin ang likod.
paulit-ulit nyang titiisin
diretso lang ang tingin.
tuloy lang sa pagtakbo.
nagtitiis…
magtitiis…
ang bayan ko!