Huwag bulabugin ang sawa
na nakapulupot sa kanlungang sanga,
hayaang mag-abang ng kanyang masisila.
Itulad siya
sa taludtod ng tula
sa mga salita — banayad ngunit kagyat
May talas, may pangil ang kataga.
Tahimik na naglalamay. Matiyagang naghihintay.
Sa himig, imahe at anyo
hayaang pag-isahin ng tula ko
ang tao at bato. Gumuguhit ako —
maso’t karit —
sandatang pamatid
sa tanikalang nasa leeg.