Nakakatulig ang lagabog ng berdeng geyt.

Sa marahas mong pagsara, di napansin
Ang talsik ng padlock malapit sa basura.
Muntik tamaan pati bubwit — na bumibisita.

Nagsusumbong ang tahol ni Sunshine.
Bahag ang buntot, isiniksik
Pinagkasya ang katawan sa ilalim ng sofa.
Masakit ang tadyak, mahirap madamay.

Napapasabay
Sa nginig ni Sunshine ang tarantang kamay.
Di ako mapalagay. Hindi na kaya
Na salagin ng nguso ang kamay mong bakal.

Dinukot ang natitirang pera sa pitaka.
Promissory Note. Na naman.
Makapag-test lang ang mga bata, kahit nahihiya;
Makikiusap ako para sa kanila.

Huwag lang magtiis sa sampal at mura.

Heto pera. Sige na.
Ubusin mo sa alak,
Mag-tong-it ka.
(Volta ng Ina ka!)

Oliver Carlos

Si Oliver ay kasapi ng Dekada80 Movement (UE Chapter), isang organisasyon ng mga aktibista ng Dekada 80 na naglalayong kabigin at muling ipaloob sa Pambansa Demokratikong pakikibaka ang mga dating aktibista...

Join the Conversation

2 Comments

  1. hi shiney. simple lang ang pinupunto, makakonek ang nagbabasa sa damdamin ng isang babaing nagtitiis sa patuloy na pananakit, at pagiging iresponsable at pasanin ng asawang lalake. isang paglalarawan sa dinaranas ng maraming kababaihan na dumaranas ng “domestic violence”.

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.