gusto kong kunan mo ako ng litrato
sa loob ng bahay na ito: ulo sa inidoro,
paa’t kamay sa semento, torso sa lababo.
hindi man mahagip ng iyong lente ang naglahong ngiti
aasa ako, na sa bawat pitik ng iyong daliri
maitambad sa madla na may ganitong nangyayari
ibalandra mo ito sa lahat ng diyaryo. gusto ko itong maisa-dokumento.
Agosto 31, 2009
Oran, Algeria
hello onimer. sarap ng tugmaang o at i.
nahihilig ka ata ngayon sa mga dead persona, boses ng mga patay na di naririnig sa totoong buhay. litaw naman ang politika ng tula mo sa paraang hindi didactic kagaya ng nauna kong nabasang i am the voice of freedom, lurkey, kaya ay layk ay layk.
Hi Harry !
Andito ka rin pala. Salamat sa pagbasa at sa komento. Nagkataon lang siguro na puro patay ang napapanaginipan ko kaya eto ang lumalabas.
Salamat sa tiyaga at sa gabay. Salamat.
haha.
grabe ka aman mgkwento