Lumagapak – pahaginit
sa bintana-
gumulong ang basag na holen
sa bumbunan ng gunita.

Dagling sulyap
sa salamin
ng antigong tokador– Wala!
Salamat
walang galos ni gatla.

Dinig sa likuran –
sa pumipintig na batok –
ang sentido ng kamusmusan.
Pitik sa goma ng tirador
ng mga batang sinisipat
bawat sanga. Paraiso
sa kanila ang malawak na tumana.

Masarap maging bata–
masarap

Manatiling bata.

Oliver Carlos

Si Oliver ay kasapi ng Dekada80 Movement (UE Chapter), isang organisasyon ng mga aktibista ng Dekada 80 na naglalayong kabigin at muling ipaloob sa Pambansa Demokratikong pakikibaka ang mga dating aktibista...

Join the Conversation

2 Comments

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.