‘Joanne’

Geronimo Cristobal

Kumapit ako sa tubo at sumuka nang sumuka doon. Humihigpit ang tiyan ko at hindi ako makahinga. Tinitingnan ako ng isang mamang umiihi. Tiningnan ko ang mukha sa salamin, namumugto ang aking mga mata at lumalabas ang dugo sa bibig at ilong ko.