Pagod na Pagod ako galing sa pagtatrabaho isang gabi nang maabutan ko ang anak na binabasa ang isang salin ng Noli Mi Tangere. Pangatlong taon na niya sa UP, at kasisimula lang ng klase. Kung nasa Santo Tomas sana’y graduating na si Jun-Jun ngunit mabuti na rin dahil mas mababa ang tuition fee sa State U.
Ako nama’y nagsisimula din sa bagong trabaho. Bihira akong umuwi sa bahay at kung umuuwi nama’y ginagabi na dahil sa traffic. Inaantok na ako, ngunit ayaw kong agawin sa aking anak ang pananabik sa akin at sa pasalubong kong dala. Mamon, Keyk at kakanin ng Goldilocks na nakabalot sa supot at litson manok. Binuksan ko ang TV nang ibaba ni Jun-Jun, ang anak kong binata, ang librong kanyang binabasa.
“Tay, alam mo, kung kaninong bertdey bukas?” Nahinto ako sa paghuhubad ng medyas at tiningnan ang ko sa mata ang anak. Mabagal na akong mag-isip pero kung hindi ako magkakamali, bukas ay kaarawan ni Jose Rizal. Nang hindi ko masagot kaagad ang tanong ni Jun-Jun, may buong tuwa niyang sinabi sa akin ang sagot.
“Tay, bertdey ni Rizal bukas.” Muli kong ipinagpatuloy ang pag-aayos, suot ang tsinelas na higit na nagpaaliwalas sa paa kong buong araw na nakabalot sa steel toe. Naghilamos ako ng mukha at nagbihis sa butas-butas kong t-shirt. Kaya siguro binabasa ng aking anak ang Noli. Naalala ko noon sa tuwing sasapit ang kaarawan ng pambansang bayani ay nagkakaroon ng paligsahan sa tula sa Magsaysay Highschool noon sa Espana, at lagi akong kalahok.
“Maaari bang hindi ko makalimutan iyon anak,” gusto ko sanang sabihin pero nakalimutan ko talaga ang bertdey ni Rizal at wala akong dahilang masabi. Ngayon ko lang nakalimutan ang kaarawan na ni Dr. Jose Rizal. Noong batang-bata pa si Jun-Jun laging ako ang nauunang magsabi sa kanya na malapit na ang kaarawan ng pambansang bayani. Lagi kong ikinikuwento sa aking anak ang kasaysayan ng mga Magigiting na bayani dahil likas siyang mapagtanong sa paksa. Natutuwa akong lalo kapag lumalapit siya sa akin at nagpapasuklay.
“Tatay, gusto ko yung suklay guwapo. Gusto kong gayahin ninyo ang buhok ni Rizal.” Babasain ko ng tubig ang suklay at aayusin ang bangs ng kanyang malambot na buhok at saka sasabihing: “Ayan! Kamukha mo na si Rizal, kamukhang-kamukha mo na, anak!” Hindi ko makalimutan ang ngiting dulot ng simpleng kaligayahan ng anak kong iyon.
Lumipas na ang maraming taon na hindi ko namamalayan. Bihira ko nang makausap ang aking anak at binatang-binata na siya ngayon. Matanda na marahil ako para maalala ang kanyang kabataang parang kahapon lamang.
“O, ba’t hindi tayo mag-celebrate?” Nakita kong lumiwanag ang mukha ni Jun-Jun. Ikinatutuwa kong lumaki siyang may hilig sa pagbabasa, bagaman nabawasan nito ang kanyang pagtatanong sa akin. Nami-miss ko rin yun, lalo na ngayong wala na kaming bunso. Kung minsan hindi ko magawang sagutin ang ilan, dahil maging ako’y napag-iisip nito tulad ng “Bakit nga ba ipinapatay ni Aguinaldo si Bonifacio?” o “Bakit hindi nagtagumpay ang Himagsikan?” at “Tay, masama bang mga Amerikano?”
Batang-bata pa siya noon. Nakaupo ang maputing-maputi at tabatsingtsing pa na Jun-Jun sa lababo habang hinuhugasan ko ang plato. Hindi matigil ang pagtataka niya tungkol sa Katipunan, sino si Bonifacio at bakit hindi tuluyang nagtagumpay ang himagsikan. “Parang kailan lang,” sabi nga ng isang awitin. Pinagpapasalamat ko sa Diyos na lumaking matalino ang lahat ng aking anak, lalo na si Jun-Jun. Ikinakatakot ko nga na maaring hindi na kayang tugunan ng aking mga kuwento ang kanyang pagtatanong, ngunit bahagi iyon ng kanilang paglaki. Sasapit sila sa gulang na talagang hindi na mapupunan pa ang uhaw nila sa karunungan.
Nasa hapag kami kasama ang asawa kong si Beth nang gulatin ako ng anak sa pagkukuwento niya.
“Tay, sumali ako sa LFS last week, inimbitahan nila ako nung enrollment. Ayaw kong magbayad ng exhorbitant fees kaya pumirma ako sa manifesto.” Nasubo ko ang malaking tipak ng hita ng manok samantalang si Beth nama’y parang walang magawa sa sinabi ng anak namin.
“Ang husay magsalita ng speaker sa megaphone. Biruin mo tay! Habang nagbabayad ang mga estudyante.” Hindi ko alam ang sasabihin. Inakala kong nakalampas na ang anak ko sa ganoon dahil nasa third year na siya at sa kurso niyang Chemical Engineering ay inakala kong hindi siya gaanong mararating ng mga aktibista. Hindi ko man alam ang sasabihin, naiintindihan ko ang pagpapasya ni Jun-Jun.
“Pero anak, hindi ba wala naman tayong problema sa tuition? Bakit ka pa pumirma sa manifesto?” Agad-agad akong sinagot ng anak.
“E, tay hindi naman porke hindi ako naapektuhan ng isyu ay magsasawalang-bahala na ako. Sabi nga nila, mas nakakaperwisyo ang pagiging apatethic kaysa sa totoong kalaban. Sa panahong ‘to dapat hindi pinapakawalan ang maliliit na issues tulad ng exorbitant fees o kaya di makatarungang pagbabawas ng budget. Noon ngang Pebrero, nagrally sila para sa mga magsasaka ng Hacienda Luisita sa Mendiola.”
Alam kong hindi ako maiintindihan ni Jun-Jun. Hinding-hindi niya maiintindihan ang pag-aalala ng magulang. Inakala ko dati na tama ang ginagawa ko noon na makisangkot sa pagwawalk-out kapag may rally noong nasa kolehiyo pa kami ni Beth.
“Tay, Nay, niyayaya nga pala ako ng mga kasama ko sa mobilization sa Biyernes.” Sabi ko na nga ba’t dito rin tutungo ang pag-uusap namin.
“Hindi puwede anak, Hindi mo alam ang puwedeng mangyari sa ‘yo dun. Walang sinasanto ang mga pulis sa riot.” Sumimangot ang anak ko sa ‘king pangangatuwiran.
“Pero, Tay, dinaya tayo ng pangulo sa election at wala nang tiwala ang tao sa mga kasinungalingan niya. Sabi ng prof ko it’s the eve of the revolution�”
“Rebolusyon? Anong alam mo sa Rebolusyon?” Hindi ko na naiwasan pang lumakas ng boses.
Mahirap ipaliwanag sa anak ko lalo na’t maging ako ay sawa na rin sa kasinungalingang yaon. Nahahati ang loob ko, nais kong mamulat pa ang anak, ngunit inaalala ko rin ang kanyang kapakanan. Ayaw ko siyang mabatuta ng pulis o mateargas sa dispersal. Ibang-iba na ang diwa ng rally ngayon. Noon gusto naming patalsikin si Marcos, ngayon marami sa mga nagpapatalsik sa Pangulo ang gustong ibalik si Erap. Walang akong kumpyansa, at lalong hindi ko nagugustuhan ang panganib ng destabilisasyon.
“Basta! Hindi puwede, ayaw kong nagkakalat ka sa kalye. Wala nang totoong aktibista ngayon.” Tumahimik si Jun-Jun. Natapos ang pagkain namin na hindi ako kinikibo ng aking anak. Ayaw ko siyang payagan dahil natatakot ako baka siya kainin ng kanyang paniniwala’t paninindigan tulad ng gamu-gamong tinupok ng apoy ng lampara. Nahiga ako sa kama at kinausap ko si Beth.
“Bakit mo pinayagan?”
“Naku, Rony! ‘Yang anak mo, nabarkada na ‘ata sa mga aktibista. Kahapon nga �
nung hindi ka umuwi, nandito sina Manolo at Pol, kasamahan niya raw sa LFS. May dalang gitara. Kumakanta-kanta, tungkol sa rebolusyon.”
Bagamat naguguluhan pa ang utak ko. Hindi ko maiwasang sariwain ang sariling karanasan sa pagiging aktibista noong bata-bata pa. Masaya ako sa piling ng mga tao sa kanayunan. Nagtatago ako sa probinsya, masipag kami sa rally hanggang sa makulong. Binabatuk-batukan ako ng mga pulis pero manhid ako, manhid na ako. Hindi na ko na marinig ang katuwiran ng mga kapatid kong nag-aalala din kapag nawawala ako ng ilang araw sa bahay. Ngayon ko lubos nauunawan ang pagtangis ng aking ina nang dalawin niya ako sa piitan. Ayaw ko nang balikan pa ang mga araw, ngunit narito ang anak kong nagpapaalala sa matatamis at mapapait na karanasan. Pagulong-gulong ako sa kama, hindi ako makatulog. Alam kong hindi ko kayang pigilan si Jun dahil katulad kong matigas din ang ulo niya.
Mag-uumaga na nang makatulog ako. Buong umaga akong nakatulog at pagkagising ko’y lumalagaslas ang tubig sa gripo. Nasa labas ang anak kong si Jun-Jun at naglalaba. Madalas kong makitang naglalaba ang anak, ngunit ngayon ko lang siya napagmasdan nang maigi. Makailang beses kong tinanong sa sarili kung pinalaki ko ng tama ang mga anak. Narinig kong muli ang sinabi sa akin ng aking anak sa hapag kagabi.
“It’s the eve of the revolution.” Naniniwala ako sa aking anak, dahil wangis niya ang kabataan ko noong kami’y lubos na makabayan. Hindi kami marunong makinig sa nakikiusap naming mga magulang. Nakikita ko ang gamu-gamong naakit ng apoy. Alam kong mapanganib ang sinusuong ng aking Jun-Jun. Nasa simula pa lang siya, at tiyak kong mas matindi ang kalaban ngayon, bagamat pangangatuwiran nga niya, hindi dahilan iyon para magsawalang-bahala. Bumalik ako sa kuwarto para magdasal. Ang aking anak ay binata na.
Kaarawan ni Dr. Jose Rizal ngayon. Nakakatuwang isipin na anak ko na ang nagpapaalala sa okasyon. Naalala rin kaya niya na father’s day din ngayon? Tumawag ang anak ko sa States para batiin ako. Gusto kong yayain ang anak na manood ng sine o kumain sa labas para bumawi sa pag-init ng ulo ko kagabi. Nakikita kong masipag na tinutupad ni Jun-Jun ang kanyang gawaing-bahay. Hiniling ko noon sa Diyos na wala na sana sa mga anak ko ang dumanas ng paghihirap at pagkagutom. Pero mapaglaro ang tadhana at panahon ngayon ng kabataan.
Hehe. Okay.
I like the Rizal allusion
ang anak moy.. anak nang panahong…. umiikot… tulad mong dating anak nang bayan na ngayo’y isa nang ama.. a
mahusay ang pagkakasulat.. pagiging makabayan at pagiging makaama, bagamat di lubos na nabigyang diin ang huli…
Ganyan talaga ang buhay ika nga eh, like father like son, it is a nice story, di mo kasalanan yan tinatawag lang siya ng panahon para tumugon sa daing ng ating mga mamamayan.
ang ganda……kaya lang nakakabitin
maganda………nakkainspire……
hope ganyan ang mga kabataan ngayon.maging tapat at alisto
ANG GANDA PO GAWA PA PO KAYO NG MARAMI AH ASAHAN KO PO IYAN. NAPASABI AKO NG OUCH! SA GAWA NIYO KABALIGTARAN KASI AKO NUN EH………….
well its a brilliant short story manifesting the heroism and spirit of nationalism. inspiring the youth of modern philippines to be like rizal. i like your style just like the other authors who finish their story in a hanging end. for all jun-jun in the philippines you should be the rizal not the bonifacio. we could be a revolutionist in a quiet way ( Ahimsa of mahatma gandhi: passive resistance and civil disobedience) because it’s not the end of the world we’ve better to surrender our national problems to GOD and pray.
hehe…. ganyan talaga life…. ang ganda ng kwento
ang ganda!!! i really like the story…… magagamit ko po ‘to para sa project namin…. tnx po uli!! sana po gawa kayo ng iba pa….
isang damdamin paulit ulit lang na nagpasalinsalin.
bitin naman e!! ang ganda na sana.. tsk!
ang ganda,……
ang ganda..
mga mp ng QUESCI akin na toh huh..
ok lng…….inspiring naman siya!!!!!!!!!!!
ganda………..gumawa pa po koyo ng iba pa pong maikling kwento………..:)
its a story between the father a nd the son..,the likeness between them is the conflict of the story..,but it doesn’t mean that joining rally is a heroic presentation..,it involves strength, passion, determination and love for what your doing..,the eding of the story is not well stated but its good coz it provokes the stored feelings..,continue make this kind of story..,
pwede mgtnong anung uri poh 2 ng kwento?????
OK ganda
ayos! ang ganda!
ANG PANGIT namn walng originality akin yang cuento
nakaka boaring basahin walang thrill ava nuh ba yan iewwwwwwwwww
churi n mn churi n mn ahm maganda tlga khit hndi ko p nbabasa ol i can say is AMAZING i thank you world peace… dude rock en rool mga fareh
ang ganda…yun lang…
pst, jun, pag nagkikita kami ni Ser jun cruz, sinasabi niyang hinahanap mo ako… :) balita ko marami ka na raw mga raket…balita lang naman. bilhan mo naman ng easel si ser, mayaman ka na raw kasi!
salamat may project nako
!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
ganda
even though i can understand little tagalog i find this story interesting..keep up the good work,,(^_~)V
mahusay. isa lamang tawag ng panahon.. responsorio sa mga ngyayari sa bayan.
this selection emphasizes how we should encourage the youth and our children to be an active member of our country……………
naghihingalo na ang ating minumutyang Pilipinas at wala na siyang ibang masasandalan ngayong nasa hamon siya ng kagipitan……..
kundi ang tagapamahala niyang lubos……..-.PILIPINO ANG TATAK AT ANAK NG MGA BAYANING MAKATA……………………………….