Ang aming pasya na iendorso sina Vice President Leni Robredo bilang Pangulo at Senador Kiko Pangilinan bilang Pangalawang Pangulo ay bunga ng aming masusing pagkilatis at pag-aaral sa mga angking katangian, kakayahan, track record ng mga nagawa na at mga platapormang nilalayong isakatuparan sa kanilang pagluklok sa pagiging punong-lingkod ng sambayanang Pilipino.