Malamang alam mo na yung ‘Ako Mismo’ advocacy na sikat na sikat ngayon. Malamang nakita mo ‘to nung nanonood ka ng laban ng Paqcuiao, o nakapaglagay ka na ng commitment sa website nila. O baka naman nakikita mo rin ito sa patalastas sa telebisyon.

Ang tanong nila: Ano ang gagawin mo para sa kinabukasan ng bayang ito?

Inaamin ko na isa ako sa mga napahanga nung patalastas nung una ko syang napanood. Bukod sa dramatic na monochromatic at red na kulay nito, nakakaiyak pa yung mga sinasabi nung mga sikat na taong kabilang sa patalastas. Tagos-puso. Muntik na nga ako mapakanta ng Bayan Ko eh.

Pumunta ako sa website nila, naglagay ng commitment ko doon (hanapin n’yo ‘ko!), pero pagkatapos ng ilang araw, madaming lumabas na haka-haka kung sino ba talaga ‘yung nagsimula ng Ako Mismo.

Maraming nagduda. Maraming hindi nahumaling sa advocacy.

Para sa ‘kin, advocacy kasi yun eh. Tingin ko two-way ang kahit anong advocacy campaign. Ang Ako Mismo ang triggering force, nasa akin kung susundin ko ang commitment ko, kahit na pasimuno pa yan ng isang aspiring candidate.

Ika nga sa literatura, the author is dead. Wala akong pakialam sa Ako Mismo. Mas importante ang 200,000+ (sa huling tingin ko habang sinusulat ito) na nagbigay ng commitments nila.

Pero kung may mga nagduda, marami rin naman na makukulit na pilit tinatanong “saan ba kami makakabili ng dog tag?”

Habang nagliliwaliw kami ng best friend ko isang araw, biglang may nag-text sa kanya.

“Aika,” sabi ni best friend ko, “nagbebenta yung kaibigan ko ng Ako Mismo Dog Tag, gusto mo?”

June 13 yun, isang araw matapos ang sinasabi nilang “Dog Tag Day” (yung ibang tao naman, Araw ng Kalayaan ang tawag dun sa araw na yun. Ang gulo nga eh, ang daming happenings).

Kung hindi mo alam ang Dog Tag Day… well, hindi ko rin alam. Malayo kasi yung venue (The Fort) sa opisina (at late na rin ako lumalabas) kaya di ko na pinangarap na makapunta. Well, pinangarap ko nang konti. Ang ganda kasi ng line-up ng mga tutugtog na banda.

Tapos, magsisilbing ticket mo sa venue ang pinapangarap ng ilan na dog tag. Babayaran mo ito sa halagang Php 40 lang. Mura na, sa totoo lang.

Balik tayo sa best friend ko.

“Magkano daw yung dog tag?” tanong ko sa kanya. Medyo pa-cool kasi ako, gusto ko rin makiuso minsan.

“120 daw.”

“120?!?!” gulat na sabi ko. “Hala naman, 40 pesos lang yan kahapon ah!”

“Teka, sasabihin ko.”

Naghintay pa kami para sa sagot ng kaibigan nya. May nag text na.

“100 na lang,” binasa ng best friend ko ang text. “Mura na yun. Ang hirap kasi kumuha nun, di ba, tsaka sobrang rare nung dog tag. Di ba? Di ba?” pagpapatuloy na pagbabasa ni best friend.

Tapos, nag-enlightening phase bigla yung utak ko. Bigla akong nagising.

Epektibo ba ‘tong Ako Mismo?

Oo, ang ganda ng advocacy nila. Tinatanong nila ang kabataan (I assume na kabataan ang target age range nila) kung ano ang kaya nilang gawin para sa bayan.

Hinahamon ng Ako Mismo ang mga bata na makialam. Hinihimok nila ang kabataan na maging aware sa social and political issues na matagal nang dumudumi sa sistema natin.

Ang ganda diba?

Pero bakit kelangan ko pa makipag tawaran sa Dog Tag?

Ako, aminado ako, kaya ako pupunta dun kung may pagkakataon ay para manood ng banda, pero kasama na rin sa kagustuhan na yun na maging bahagi ng pagtitipon ng mga kabataan para sa pagbabago.

Ang tanong, nagkaroon ba ng ganoong pagtitipon?

Ang lungkot kasi parang yung mga pumunta dun sa The Fort eh para lang makakuha nung Dog Tag. Para lang makipag talunan sa tumutugtog na banda. Para lang mag-hang out.

Pero parang madalang sa kanila yung naka-gets nung ibig sabihin ng “Ako Mismo” na nakasulat sa dog tag. Heck, meron pang naging negosyante overnight!

Eto naman eh ayon sa obserbasyon ko sa pagba-browse ng mga Multiply sites ng mga pumunta sa Dog Tag Day. Puro vanity pics ang pictures ng mga banda. Ang mga blog posts ay nagkuwento kung gaano kasaya yung event. Pero walang kaisa isang nag-mention ng ‘point’ ng lahat ng ‘to.

(Kung meron man at na-miss ko lang, saludo ako sayo. Sana maraming makabasa ng post mo na ‘yon.)

Hindi ako nawalan ng pag-asa. Nag-browse pa ako nang nag-browse.

Tapos, nakakita ako ng isa. Eto ang sabi nya:

“If you want change, do it. Show it! Having that dog tag means nothing if you won’t do your responsibilities as citizens. I mean, a simple dog tag won’t change you. Wag mong ipagmayabang yan kung wala ka rin namang gagawin.”

Gusto ko talaga s’yang yakapin! Sa wakas! May pag-asa pa ang Pilipinas! Kahit may mga tao na fashion statement lang ang turing sa Ako Mismo advocacy, o isang business opportunity, may mga kagaya pa rin ng batang ito na hindi sumasabay sa uso, at nag-iisip nang matalino.

Biglang nawala ulit ang tiwala ko sa mga audience ng Ako Mismo nung nadiskubre kong may nagbebenta sa Ebay ng dog tag sa halagang Php 150. Ugh.

At lalo pa akong nanlumo nung pagbukas ko ng Multiply account ko eh merong nagpadala sakin ng DALAWANG private messages na sinasabing “Hi! Nagbebenta ako ng ako mismo dog tag! PM me if interested!”

O sya, mainam nga naman na may tumatangkilik sa mga advocacy na ganito. Ok nga naman na nauuso ang mga programa na nagyayaya sa mga kabataan na tanggalin sa systema nila ang pagiging apathetic.

Kaso ang masama sa mga ‘uso’, madaling nalalaos.

Fashion statement lang din ba ang pagiging makabayan mo?

Epilogue: Habang papauwi ako isang araw, may nag-iinuman na kanto boys sa may amin. Mukhang lasing na sila kasi malakas na yung mga boses nila.

“*@^#*@&W@ yan!” ang sigaw ng isa. “Tatakbo nanaman si Atienza sa eleksyon!”

Nagulat ako. Akala ko chicks lang ang pinag-uusapan sa mga inumang kanto.

“Ano ba naman yan, siya na naman?” ang pasigaw na sagot ng isa.

“Oo! Si *di ko maintindihan yung pangalan*, si Atienza at si Lim ang maglalaban-laban! Ano ba naman yan!”

Tinignan kong maigi. Wala silang suot na Ako Mismo dog tag.

Aika Pascual

Matagal nang crush ni Aika Pascual si Atom Araullo. At nung araw na unang nakita ng dalaga sa personal ang kanyang crush, nawalan s'ya ng cellphone. Law of compensation? Malamang. Kilala...

Join the Conversation

6 Comments

  1. Bakit kasi Dog Tags? Out of trend na kaya yan! Bakit kasi hindi na lang platform heals, mas fashionable pa and pwede talagang maging rare.

    I so love you Aika! Ang bilis ng isip mo. Sad to say isa ako sa mga “kabataang” walang ginagawa. NI hindi pa nga ako rehistradong botante, haaay… pero masasabi kong may ginagawa ako para sa kinabukasan ng ating bansa at yun ay ang turuan ang mga bata na maging makapilipino. (Nasa VIsion Mission namin yan!!!) haha

    Sa nakikita ko ngayon. Puro rali lang naman ang ginagawa ng mga tao. Nagpapasikip lang sila ng daan. May iba namang paraan para mapakalat mo ang gusto mong sabihin. Sa mga ganyan kasing pagtitipon tulad ng rali nahahaluan ng pera at religion.

    Heto a. Honestly, wala akong alam sa bagong government na gustong gawin ng chacha pero sa nakikita ko kaya lang naman ayaw ng mga tao ng chacha dahil kay gloria. Tanongin mo kung bakit ayaw nila kaya Gloria, wala silang kasiguradohan sa sagot nila. Siguro dahil sa nakikita nila sa telebisyon na puro rali na anti-gloria. Pero kung tatanongin mo kung bakit nila gugustuhin si gloria, wala silang maisasagot. Siguro dahil nga sa napapanood o naririnig nila sa iba na ayaw din nila kay gloria na yung nagsabi e wala ring kasiguraduhan sa sagot nya. Siguro kagaya nung sa dog tag, nakikiuso lang din sila. Maraming achievements si PGMA. Bilib ako sa kanya. Example, sa height nyang yon, nakukuha nyang makipagmeeting sa ibang bansa kasama ang mga foreigners na mala higante. Siguro naman nahihiya rin naman sya sa height nya at alam ko nahihiya rin sya kasi maraming pilipino ang walang alam na ayaw sa kanya but still nakikipagfriends pa rin sya sa ibang country sa ikabubuti rin naman ng Pilipinas.

    Ang problema kasi sa mga karamihang tao dito sa Pilipinas, mahilig makiuso, madaling mabola at madaling mabayaran.

    Ito pa, si Mr. Yakult napanuod ko sa TV, may sinasabi sya tungkol sa Computerization ng pagboto. (sasabihin ko na, gusto ko ang pagcocomputerize ng voting.) Si Mr. Yakult naman gumamit ng paraan (1) ang pageexagerate ng “hindi na tao ang boboto kundi ang mga robot…” (2) Sa huli sinabi nya with malaki ang mata (3) ..magigingtransformers. Yan ang mga ginawa nya para mahikayat ang mga tao na maging anti-computerization ng pagboboto. Ginamit nya ang kanyang pagiging artista at komedyante. Sino nga naman ang hindi maeentertain sa sinabi nya. Nakakakuha ng attention ang exageration at with matching expression at dagdag pa ang napapanahong pilikula ng Transformers.

    Kung tatanungin ako kung bakit gusto ko si gloria, ang chacha at ang automation na pagboboto, tanungin nyo na lang ako in person.

  2. “Eto naman eh ayon sa obserbasyon ko sa pagba-browse ng mga Multiply sites ng mga pumunta sa Dog Tag Day. Puro vanity pics ang pictures ng mga banda. Ang mga blog posts ay nagkuwento kung gaano kasaya yung event. Pero walang kaisa isang nag-mention ng ‘point’ ng lahat ng ‘to.”
    –ganyan din nakita ko kaya napapost ako ng ganun. hahaha. di lang sa multiply! facebook, FS, YM.. yun ang mga primary pics ng mga tao. XD at ang mahal pala ng dogtag na yan, dito ko lang nalaman yung presyo haha

  3. @bonn: hahah may underlying factor pa kasi yan at medyo malalim yan na usapin kaya antindi nalang talaga ng pag disagree ng tao dyan that they even take it sa street. which is justifiable naman, methinks, lalo na kung iisipin mo yung HR1109.

    Sad to say nga na maraming tao na hindi alam yung epekto pag natuloy yung cha cha, basta ayaw nila sa cha cha. Mas ok naman siguro na alam nila diba? tas sad to say din na yung mga anti-chacha rallies eh medyo nahahaluaan ng kahiwagahan lalo na’t nalalapit ang eleksyon.

    syemps di ko na iisaisahin yung mga kinakatakot ng ilan na maging epekto ng chacha. Pag nagkita tayo, sasabihin ko sayo. hahaha medyo madami yun eh. tsaka para sa next column ko na sana yun hahahah :P

    and yun na rin yung sa tingin ko na mali ke gma. masyado syang focused sa pagpi-please sa foreign entities na maraming mga bagay bagay dito sa loob bansa na indi nya natututukan. Na minsan maiisip mo na parang mas mahalaga sa kanya yung outside image ng pinas, kesa sa ayusin nya muna yung mga gulo internally. Ikukwento ko rin sayo yan pag nagkita tayo. hahahah!

    @marisse: hehe, di ako sure kung magkano sya ibebenta sa July (nung legit sellers), pero yung iba pang nakita ko sa ebay sa venue nila binili (which is 40 bucks lang), tas binebenta ng more than 100% ang tubo. ugh.

    si marisse nga pala yung gusto kong yakapin na bata ^____^

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.