(Alay ni Axel Pinpin sa mga Manggagawa at Mananahi ng Cavite Export Processing Zone)
Babae. Masipag.
Hindi bababa sa trenta anyos ang edad.
Hindi tataas sa minimum wage ang bayad.
Dalaga. Marikit.
Sabik sa overtime at di nagkakasakit
Baon sa utang at Koreanovela fanatic.
Educational Background.
Enrolled sa agency at five-month contract.
Walang kurso sa unyonismo at pag-ii-strike.
Working Experience.
Bihasa sa makinang hi-speed, Juki o Singer
Mangmang sa usaping CBA, piket o streamer.
Expertise Skill.
Tumabas. Mag-ohales. Lumilip nang tahimik.
Tumangis. Magtiis. Lumirip nang walang imik.
Camp Vicente Lim
Si Axel Pinpin ay kabilang sa tinaguriang “Tagaytay 5” — kasama nina Riel Custodio, Aristedes Sarmiento, Enrico YbaÖez, at Michael Masayes — na dinukot ng mga pulis at militar noong Abril 28, 2006 sa Tagaytay City, pinaratangang mga “rebeldeng komunista” at ngayo’y halos isang taon nang nakakulong sa Camp Vicente Lim ng Philippine National Police (PNP). Naging fellow siya para sa tula ng UP National Writers Workshop noong 1999.