may sembreak ka lang
kung nag-aaral ka pa,
o
kung nagtuturo ka,
o
kung makina ka ng akademya.

sa ngayon,
linggo lang
ang iyong bakasyon.
di mo pa nabili
ang pamalit
sa butas-butas
na maong.
tinataguan mo
ang mga pinagkakautangan,
dahil kapag nagkita’y
tiyak
na wala na
ang kita.

ilan na ba
ang anak mo?
lima ba?
pito?
malakas
ang ulan,
maginaw,
may naaalala
ka. pero hindi
ang katabi mo
sa kama. naiinip ka,
nababato, nababaliw
sa kaiisip
sa iyo,
sa buhay mo.

iniisip mo
si kim.
iniisip mo
ang pamilya mo.
iniisip mo
silang lahat,
habang ikaw,
nag-iisa,
nagbabasketbol
sa banyo.


*base sa kanta ng eraserheads

Join the Conversation

4 Comments

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.