Ako’y maghihintay sa iyong pagbaba
diyan sa krus. Andiyan ka lang
at ako nama’y andito lang.

Hindi ka naman ispiritong, lilipad,
gagala, uuli kung saan. Alam ko,
mariin ang pagkabaon ng pako sa ‘yo.

Pagmamasdan ko muna ang sinapit mo,
sisipatin ang kahoy na pinaghulmaha’t,
ang mga biyak sa dibdib mo�

Hayaan mong wariin ko ‘yang korona mo’t,
taluntunin ang tinutuon ng mga mata
sa lupang, alam kong hugpungan mo.

‘Pagkat bagama’t ika’y tuod, malay ko,
kung tinatablan pa rin, ang katawan mo,
ng mga latay, hampas at bayo.

Pero sa ngayon, dito muna ako, hindi
lalapit, mag-aantanda ni pupunas ng panyo,
hihintayin ko ang pagbaba mo.

Si Noahlyn Maranan ay kasalukuyang estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas, gradwadong antas.

Noahlyn Maranan

Si Noahlyn Maranan ay isang estudyante sa gradwadong-antas sa Unibersidad ng Pilipinas.

Join the Conversation

1 Comment

  1. Ganda ng tula. Isinasaad kung ano ang nakikita ng mata. Malayo sa ibang tula na pawang imhinasyon lamang. Mas gusto ko ang ganitong tula. Ung totoo subali’t silbing daan sa isang realidad na hindi dinidiktahan ng ugali’t kulturang kinagisnan.

Leave a comment

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.