Masyadong mahaba ang biyaheng pauwi,
mula Philcoa hanggang Fairview ay naisip ko na
nang makailang ulit ang mga bagay-bagay.

Tulad ng pagpasada ng mga dyip sa kahabaan ng commonwealth ang
daloy ng mga tula sa aking isipan.

Gaya ng, “akala ko noon, na ang bumbilya ay mga alitaptap
na nakakulong sa garapon.”

Mangyaring ang mga tulang pira-pirasong pinagtagpi
ay naglalaho din naman
sa aking pagbaba sa tapat ng Caltex.

Kung bakit di na lamang sa aking pagkakaupo sa mesa
sumabay ang lukso ng alaala.
(kaharap ng papel na hindi marungisan.)

Kung bakit kasi ayaw tumakbo ng isipan
hangga’t hindi umiikot ang gulong ng sasakyan.

Si Pablo ay isang mag-aaral sa UP Diliman.

Join the Conversation

4 Comments

  1. Ang ganda ng tula. MInsan nakakaisip rin ako ng mga magagandang linya, sa mga lugar na hindi ordinaryo at kadalasan yung mga linya di ko na matatandaan pa. Minsan sa loob ng cr, minsan kapag binasted ako, o kaya pinagalitan, at pagkatapos walang ganang magsulat, minsan kapag nakakaramdam ng sobrang pagod, o kaya ay relax nasa tabi ng dagat, o kaya ay nagkukwento ng buhay ko at nakaraan sa mga kaibigan, yung panahong hindi ka pwedeng magsulat, kundi upang bigyang panahon yung ginagawa at namnamin ang buong emosyon o tanawin sa paligid. Pagkalipas nito, wala na, sasabihin mo, ano nga yung sinasabi ng ng kaluluwa ko kanina, bakit parang usok na naglaho?

  2. Mawalang galang na po sa inyu pero napaka-pollution itong lugar po na ito ? hindi ba mas-maganda kung purihin na lang natin ang ibang lugar ? Please do not offend !

  3. ka james, dito sa lugar na ito, sa kabila pa ng anumang polusyon at ingay,
    dito pinaka mulat ang aking isipan.

  4. Ano ka ba? pinatulan mo pa yung ka james! bakikaw na nga gramar, di pa niya nagets tula mo! Hala, tula lang nang tula…dedmahin ang puna! Wala kang tungkulin(at karapatang) patulan ang kritisismo sa yo…

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.