hindi ko naman talaga alam kung ano ba ang katotohanan–
kaya ngayon ay magkukuwento na lang ako ng mga bagay-bagay:
tulad nung araw na sinabi mo sa akin na baka si Rico Yan
ang soulmate mo. Nung araw ring yun nasalubong natin si Sammy Lagmay
at dahil nga siya ang paborito nating dalawa sa Abangan
ang Susunod na Kabanata ay nilapitan natin siya’t sabay
nagpa-autograph. Pagsakay sa kotse ay ibang klaseng saya ang ating naramdaman.

Pero ‘di ko pa rin talaga alam ang katotohanan. Ang alam
ko ay nung championship namin ng rugby sa Laguna ay pinuntahan
mo ‘ko ay ang sarap ng pakiramdam. Habang nakikipagtulakan
ako sa damuhan ay hindi ko mapigilang makipagtitigan
sa iyo na may dala-dala pang pompoms. Ang totoo ay kasabay
ng pag-iwas kong mahulog sa damo ay ang pilit ko ring pag-ayaw
na tuluyan nang mahulog sa ‘yo. At siguro ngayon pipigilan
mo ako sa pagtula tapos tatanungin mo ako, ‘alam
mo na ba?” at sasabihin ko, “hindi naman yun ang katotohanan.”

Kaya ang FIC avocado ice cream na lang ang ating pag-usapan.
Hindi ka naniwala nung sinabi kong hindi ko pa natitikman
ang ice cream na iyon. Nung buntis pa ang kapatid mo ay binibilhan
mo siya at ngayon ginagawa mo yun sa ‘kin. ‘Di ba kagabi lang,
kumain tayo ng apat na cup sa isang oras? Sa kabaliwang
yun ay pininta mo ang sarili mo na taong walang pakialam–
na ginagawa ang gusto’t tinatapon ang pangamba sa kawalan.

Uuwi tayo sa bahay, maglalatag sa salas at pakikinggan
si Bruce Springsteen. Isisigaw ko, “mahal kita Bruce!” Mapagkakamalan
mo ‘kong bakla pero babae ang tipo ko–gusto ko lang naman
siyang mayakap. “Ngayon,” pilit mo, “alam mo na ang katotohanan!”
Pero hindi, hindi pa rin. Aalis ka’t iiyakan ko si nanay
gaya ng ginagawa ko nung bata pa’t alam ang katotohanan.

“Ating bigyang-pugay ang aking co-host ngayong gabi…
heto na si Binibining Shirley Fuentes!”
–German Moreno, Enero 29 2006

Si Gabo ay estudyante ng Broadcast Communications sa UP Diliman.

Join the Conversation

8 Comments

  1. naksss!!!ayos ang tula mo,huh!!!ang ibig sabihin manhid yung girl na minamahal mo at pinagbibintangan ka pang bading???siguro ang sarap mong mahalin,noh???kasi ginawa mo pa nang tula yung girl na mahal mo,ganyan ka ba talagang magmhal???kasi ako sa dinami dami ng lalaking nakarelasyon ko isa lang ang lalaking minahal ko ng tapat pero sinayang nya pati pagtitiwala ko at ang masakit pa don harap harapan nyang inamin sakin na hindi nya ko minahal na galit sya sa mga girl dahil mapaglaro daw kami,tama ba yun???sakin nya ginanti yung kasalanan ng iba ngunit mag-ka-gender lang kami,unfair di’ba???alam mo that time na sinabi nya sakin yun i feel bullshit,don ko na-realize na ang tanga KO pala…hahaha!!!

  2. naksss!!!ayos ang tula mo,huh!!!ang ibig sabihin manhid yung girl na minamahal mo at pinagbibintangan ka pang bading???siguro ang sarap mong mahalin,noh???kasi ginawa mo pa nang tula yung girl na mahal mo,ganyan ka ba talagang magmhal???kasi ako sa dinami dami ng lalaking nakarelasyon ko isa lang ang lalaking minahal ko ng tapat pero sinayang nya pati pagtitiwala ko at ang masakit pa don harap harapan nyang inamin sakin na hindi nya ko minahal na galit sya sa mga girl dahil mapaglaro daw kami,tama ba yun???sakin nya ginanti yung kasalanan ng iba ngunit mag-ka-gender lang kami,unfair di’ba???alam mo that time na sinabi nya sakin yun i feel bullshit,don ko na-realize na ang tanga KO pala…hahaha!!! kaya pag nakakakita ako ng mga lalaking nagmamahal naiinggit ako dun sa girl na mahal nila kasi inisip ko kailan kaya darating yung lalaking magmamahal sakin at mamahalin ko rin…kaya ikaw mister kung mahal mo sya wag mong ibibigay lahat magtira ka kahit konti para sa sarili mo at habang maaga pa magtapat kana sa kanya kasi dalawa lang naman ang maaari nyang isagot sayo,OO o HINDI d’b???siguro ang bagay na kanta sayo (LAGI MO NA LANG AKONG DINEDEDMA)by:ICHYWORMS…

    matagal ko ng gustong malaman mo
    matagal ko ng itinatago tago to
    nahihiyang magsalita,at umuurong aking dila
    pwede bang bukas na
    ipagpaliban muna natin to
    dahil kumukuha lang ng tyempo upang sabihin sa iyo

    mahal kita,pero di mo lang alam
    mahal kita pero mo lang ako tinitingnan
    mahal kita pero di mo lang alam…oh,oh,woh…

    sorry hanggang dyan lang ang alam ko sa lyrics…thanks again,and keep up the good work…bye!!!

  3. lam mo blib ako syo atlis khit s tula lng nsasabi mo ang guzto mo! sana magkakilala tyo minsan pra nmn 2ruan mo rin akong sbhin ang nararamdaman ko! godbless keep up the good work!

  4. ang maganda sa tula (bukod sa saktong sukat at tugma)
    ay ang pagiging totoo nito
    ay ang pagiging unibersal ng mga simbolo at imagery na ginagamit

    at isa pa, maganda ang tula dahil hindi niya sinusubukang maging maganda, o malalim, o madrama.

    natural ang mga emosyon. maganda talaga.

  5. Waaah! Kalunus-lunos na kabanata sa buhay ng isang bigo at suwail na manliligaw. Hala, maghanap ka lang ng iba!

  6. Yuuuuu… maganda ang tula, binasa ko ng paulit-ulit. in-love din ako ehhh.. at tulad ng iba nahihirapan rin sa panliligaw sa mga babae na nakabalot sa kulturang pinay…

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.