Dinggin mo ito
ama
habang nakahiga ka
sa masikip mong
tarima At
sa labas
ay nagkalat
ang polkadot
at naglisaw
ang mga taong
lango
sa holiday cheers
Unawain
kung gaano
kasakit
sa akin
ang masdan
kung paanong
pinagkasya mo
ang ligaya
sa paos
na tunog
ng munting
torotot
sa gilid ng
maliit na kwadrong
naging tahanan
mo na rin
Damhin
ang paglatay
sa akin
ng bawat pitik
ng segundong
papalapit
sa alas-dose
at nariyan ka
sa loob ng
mapaniil na selda
Talusin mong
iisa lamang
ang rehas
na nagkukulong
sa atin
Kapwa tayo
bilanggo
ng lunggati
Ngunit
mamaya
umasa kang
kasabay ng
pagkalat sa mundo
ng mga ilaw
at dagundong
ng mga paputok
tatakas ako’t
pasasabugin
ang pag-ibig
patungo
sa iyo.
Si Bullet ay kasalukuyang nag-uubos ng ingles sa isang call center sa Makati habang isinisingit ang pag-aaral ng BS Education sa Bulacan State University.
Isinulat ang tulang ito para sa kanyang ama na ipinakulong sa ilalim ng mali at piksyunal na paratang.
ei rhamjay 2! congratzzzzz!
Good luck nalang po!!!
salamat rAmjay! sayang wala ka sa Naga. ang saya pa naman nun! kitakutitap na lang pag nagawi kami sa inyo o kaya kayo ang dumalaw sa Bulacan. God Bless!c:
napakagaling naman nun. sana makalabas ang iyong ama.
napakagaling ng pagkakalikha ng tula, tumatatak sa aking puso at isipan ang bawat salita,…
totoo bang hanggo ito sa iyong buhay? magkamustahan tayo minsan..gusto kitang yakapin…iloveyou bullet!
huy,
sosyal ka na ate. tinig na ang biyuti mo.
congrats.
citi walk na eto.