Nagustuhan mo ‘kamo, kaibigan
ang inihanda naming lamang-dagat,
ngayon ka lamang nakatikim
ng tilapyang kumikisaw-kisaw habang iniihaw
at kumakaykay ka sa pagtungkab sa aligi
ng alimangong nahuli sa baklad,
halos lumuwa ang iyong mga mata
pagkakita mo sa hipong-puti at suwahe,
nakapikit mo itong isinubo at isinawsaw
sa sukang paombong.
Kaibigan, parang piyesta, ‘ikamo.
hindi ako makakibo
pagkat dito sa nayong ito
sa nayong sagana sa hipon, alimasag,
tilapya, aligasin, alimango…
ay totoo!
totoong nagkakagutom ang mga tao.

Join the Conversation

9 Comments

  1. astig!!habang binabasa ko tong tulang ‘to may isang tanong n pumasok sa isip ko..
    bket nga ganun?!parang ang yumayaman sa bansa ni JUan dela cruz ay ang mga kpitbhay niya..
    sna mgbgo n ang takbo ng gobyerno sa pilipinas..

  2. Tungkol sa tulang ito na ang mga nilalaman ay totoo pero doon sa sinasabing nagkakgutom ang mga tao sa Sta Cruz Paombong Bulacan,yan ang di ko matanggap dahil yan ay hubad na katototohanan walang basehan at walang katotohanan.Ang Paombong ay maliit na bayan pero ang gutom ay walang puwang sa aming pamayanan.Sanay maging daan ito para itama ng sumulat ng tulang ito ang kanyang pagkakamali.Masipag ang mga taga Paombong at yan ay kaya kong patotohanan.

  3. magandang araw po! si vlad gonzales po ito, patnugot sa panitikan. salamat po sa pagpansin, g. ed dela cruz, makakarating po sa may-akda ang nabanggit. nais ko lang din pong ipaalam na taga-bulacan din po ang makatang si soliman santos at siguradong may basehan naman po ito (at sa personal na opinyon, palagay ko po’y hindi ang sipag ng mga tao sa lugar na binabanggit sa tula ang pinapansin ng nagsasalita sa tula). anuman ang totoong sitwasyon sa paombong sa kasalukuyan, nakatutuwang may nakabasa ng piyesang ito’t nagbigay ng sariling pagtingin tungkol sa sitwasyon ng lugar ayon sa sariling perspektiba. kaya maraming salamat po uli.

  4. gling mo nmn1 kc hbang binabasa ko 2 naicp ko n sana bumalik n lng ung dating panahon nung sagana p ang mga dagat ntin! syang at d n maabutan ng mga susunod n henirasyon ang mga un

  5. bkit nya nsabing nagugutom ang mga tga paombong? Tga Sta Cruz paombong b siya?
    Bgo siya maglahad ng isang opinyon dpat ay inalam nya ang percentage ng sinasabi nyang mga GUTOM…..

    Di nya naisip na mraming masasaktan sa sinabi nya… ano ba ang purpose nya at sinulat nya iyon??? pra b tulungan ang mga taong sinasabi nyang mga gutom o upang MANGUTYA at MANGMALIIT ng kapwa?????

  6. Kaninong bahay ba siya pumunta s sta.cruz paombong, para sabihin nyang mga nagkakagutom ang mga tao!!!!!

  7. taga Sta. Cruz po ako, jan ako lumaki, Nag aral at nagkaisip… jan din po ako natutong makibagay o makisama sa tao, Naalala ko noon pag Fiesta, napakaraming handa bawat bahay, inuman, palaro, at pagsapit ng gabi may palabas na sa harap ng simbahan malapit sa glorieta… simple lang ang buhay ng mga taga sta. cruz, mabubuhay mo ang pamilya mo kung masipag ka lang at matiyaga… maraming pwedeng pagkakitaan sa sta. cruz, pwede kang sumama sa huli… 80 pesos 1 lusong mga year 1996 noon, ang daming bangus at pag uwi mo may dala ka pang ulam… mas maayos ang buhay mo kung may sarili kang BAKLAD o TALABAHAN… araw araw ay may siguradong kita ka, papandaw sa madaling araw tapos iluluwas ni ka Tony Culalic o kaya dadalin sa Pamarawan… yun nga lang pag may bagyo medyo mahirap kumita… umiikot ang buhay ng mga tao sa ganitong sistema, ang mga bata ay masayang naglalaro pagkatapos ng klase lalo na kung sabado at linggo… sama samang nagsisimba ang buong pamilya, reunion kung minsan lalo na kapag may okasyon tulad ng kasalan, b-day o kahit na undas… magkikita-kita ang barkada at masayang magkukwentuhan habang tumatagay ng 4kantos at kumakanta sa videoke… ang mga balikbayan ay nag uuwian pagsapit ng pasko… nakakamiss ang buhay sa sta. cruz… simple lang ang buhay pero hindi masasabing wala silang mga pangarap… at lalong hindi sila papayag na magutom at mamatay na lamang isang tabi…..

  8. Magandang araw sa iyo ginoong Soliman. Gusto kong ipaabot sa iyo ang aking sama ng loob sa iyong naging opinyon o pag kutya tungkol sa lugar kung saan ako lumaki, nagka isip at itinuturing kong tahanan. Hindi ko alam kung ano ang inyong naging basehan para masabe mo na ang isang baryo o pook ay nag kaka-gutom?.
    Mayaman sa lamang-dagat ang Sta cruz, madalas kong naririnig sinasabe nila na ?wala nang libre ngayon?!
    mali sila ka soliman sapagkat sa aming baryo na iyong sinasabeng nag kaka gutom ang sariwang isda talaba o anumang lamang-dagat ay pwede mong ma hingi. Kung gusto mo naman ng bangus mag punta ka lang sa mga palaisdaan kung sila ay humuhuli ikaw ay bibigyan, at kung ayaw mo namang mang hingi lumusong ka sa dagat hindi ka lang mag kaka ulam kikita kapa! Ngayon ilahad mo sa akin ang basehan ng iyong opinyon!!! Imulat mo ang iyong mga mata tumingin ka sa iyong kapaligiran upang iyong lubos na ma unawaan ang tunay na kahulugan ng sinasabe mong “gutom”. Nakaka lungkot isipin na ang isang makata na kagaya mo ay sumusulat ng tula na ang tema ay pag kutya na walang basehan.. Wag mong sayangin ang oras mo’t talento sa mga walang kwenta at kabuluhang bagay sayang….

  9. Isa din po akong taga Sta. Cruz, ang lugar na binanggit at naging tampok ng isang makatang sa tingin ko ay lumawig at lumampas pa sa kaisipang maka-kathang-isip. Dhil sa lubhang maka-kathang-isip mo Mr. Soliman ay nakagawa ka ng mas higit at malala pang istorya upang buuin mo ang konkluksyong ngmula sa kung saan. Ipinagmamalaki ko po na ang barriong aking kinagisnan at kinalkhan ay isang lugar na mas iisipin pang naninirahan kami malapit sa kamay ng DIYOS, ang salitang kahirapan ay walang puwang sa amin sapagkat andiyan lamang sa aming harapan ang pinagkakabuhayan kung ang paguusapan ay sa pagkaing-katawan, marami din sa amin ang nakatapos ng pag-aaral at di maiitangging kami ay nagtatamasa ng tagumpay sa buhay kung ang pguusapan nman ay kagutuman ng pag-iisip o kaalaman, nariyan din nman ang aming simbahan at ibang mga sekta upang magbunyi at magpapuri sa DIYOS kung ang hahanapin naman ay kagutuman ng kaluluwa. Magpasahanggang ngayon ay di ko mawari kung bakit nasabi mo Ginoo na ang mga taong sa lugar namin ay nagkakagutom.?Ahhh, marahil ay nagugutom kami sa mgataong tulad mo na mapanghusga at walng kwenta, na dhil sa sobrang kagutuman namin ay nais ka naming kainin ng buong-buo at ihagis sa dagat at ng mas mapakinabangan pa ng aming talabahan ay iyong kaisipang putik!!!!

Leave a comment

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.