“Matalino” na nga ang matsing,
Nanlalamang pa rin.

Ang tumakbo nang nandaya,
Kung matinik ay malalim.

Ang kalabaw na apat ang paa, nadudulas pa;
Ang tao pa kayang nanginginig ang dila.

Hindi nakikilala ang bayani sa salita;
Pero nabobosesan ang taong nandaya.

Kapag may isinuksok,
May mandurukot.

Kapag may nansuksok,
May nangurakot.

Daig ng maagap ang masikap.
Daig ng corrupt ang maagap.

Madali ang maging tao,
Mas madali ang maging aso.

Walang utang sa IMF-World Bank
Na di sa bayan pinababayaran.

Kung sa lahat ng gubat ay may ahas,
Sa sukal pa kaya ng MalacaƱang.

Ang sakit ng pamahalaan,
Damdam ng buong bayan.

Ang pangako (ng pangulo) ay laging napapako.

Ang di lumingon sa pinanggalingan,
Sa kangkungan ang paroroonan.

Ang pagsisisi ay laging sa huli.

Join the Conversation

17 Comments

  1. ang ganda naman ng tula moh! thatz true nagaganap nga yan sa ngayon!

  2. ayos!!astig!!hndi nman aq anti-GMA pero s tngin q totoong totoo ang tulang ‘to

  3. sana merong ibig sabihin yung mga ng ni re-research nmin kac nahihirapin pa rin ako tulad ngayon hinahanap ko yung ibig sa bihin ng “kasabihan” puro exaple only here no! meaning!
    wish lng sana lagyan nyo pra marami pupunta d2!

  4. nakita ko yata ‘tong tula na ito na nakapaskil dun sa exhibit sa Faculty center sa UP. hehe..

  5. hi princess!vlad gonzales po ng tinig.com, salamat sa pagdaan. pasensya na po’t mukhang iba yung laman ng site sa hinahanap mo (yung mga ibig sabihin ng kasabihan, yung meaning). palagay ko’y malabong makahanap ng mga ganung datos kahit sa net (o at least, yung datos na accurate). madalas ay madaling bigyan ng interpretasyon ang mga kasabihan sa filipino, titingnan lang ang clues na ibinibigay. marami ring aklat na makatutulong sa iyo, hindi nga lang direkta (o yung tipong magsasabi na “oy, eto ang ibig sabihin ng kasabihan na hinahanap mo”) kundi konteksto na pinanggagalingan ng kasabihan, mga paraan ng pagbabasa sa teksto atbp. sana’y mahanap mo ang hinahanap mo. salamat po uli!

  6. sana man lang lagyan ninyo ng meaning puro nalang kayo exampl…..hai………kainis naman kayo…di tuloy matapos-tapos tong research ko sa filipino…….
    babatiin ko na rin yung mga kaibigan ko…sasamantalahin ko na,hehehe…hi dina guigue,thank you for everything….to all 11q students…and most especially to my bestfriend,mavis joy c. ibanez…luv yah all….

  7. ANG COMPUTER NA ITO WALANG KWENTA KASI HINDI NYA NABIBIGAYNG KASAGUTAN ‘YONG MGA TANONG KO,,, NAKAKAINISSSSSSS,,,,,,, BWISETTTTT,,, TALAGA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.