Sumisirko-sirko
ang bansa, alagad
ng krus na kawad
at lambat, Boy Tumbling
sa ere. At kober
ng midya ang kanyang
pagpanhik-panaog
sa haliging-hagdan.

Dantaon na ako
nanonood dito.
Hindi ko makuhang
pumalakpak. Bitin
sa ere ang lahat
ng aking daliri.

Join the Conversation

1 Comment

  1. hindi hamak na ganito na nga
    ang mundong kinatitirikan
    paikut-ikot
    parang tsubibo
    parating na sa itaas
    senyas lamang pala
    ng pagbaba

    nakakatawang isipin
    nakatatawang pagmasdan
    ang pelikulang babad sa
    kahibangan
    at kabaliwan

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.