At nagpahayag s’ya ng hindi pagtakbo
Kapag nag-eleksyon sa pagkapangulo
Para magkaisa ang mga nagpangkat
Na mga lapiang natadtad ng lamat.

Pero nang dumating ang petsang palugit
Sa kandidaturang kelangang isulit
Ay kumaripas po nang napakatulin
Hanggang ang pahayag sa kanya’y humirin.

Nilampaso’t daig ang tsampyong atleta
Kahit may budhi s’yang tumangging magdyeta.
Ang mga kakampi’y sobrang napahanga,
May birtud daw kasi ng mapagkumababa.

Diksyunaryong panis na buong nilamon
Ay himagas pala sa tunay na gutom
At pati pag-upo sa trono ay hayok
Ang bungong may lamang utak na pururot.

Join the Conversation

1 Comment

  1. ama..ang galing mo ganda ng tula ah.. astig keep up the good work and stay smart (aleck?!) tama ba uN? hehe.. ipagpatuloy ang pakikibaka para sa bayan! patalsikin ang nakaupo!..^_^

Leave a comment

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.