Ang pagpaparaya ay masakit
Limutin ko ma’y ayaw mawaglit
Pinagsisihihan kong ako’y bumitaw
Sa pag-ibig nating nangingibabaw
Pinagtagpo ang ating mga landas
Umibig tayo na parang wala nang bukas
Itinali ng hangin ang ating mga puso
Tila walang makapaghihiwalay kahit tukso
Isinabay natin sa huni ng mga ibon
Ang tawanan natin sa maraming pagkakataon
Pinagsaluhan natin ang malulungkot na sandali
Tanging araw’t buwan ang saksi sa ‘ting pighati
Panandalian nating nilimot ang isa’t isa
Mga puso nati’y nawalan ng ligaya
Ang direksyon ng ating mga daan ay nag-iba
Hanggang naisipan nating magparaya
Sa iyong nalalapit na pagbabalik
Puso ko ay sobrang sabik
Mga alaalang muli nating pagtatagpuin
Para mabuo ulit ang pag-iibigang naangkin
Dumating ang araw, at tayo’y nagkita
Isang pagkakataong pambihira
Sa pagtatagpong ‘yon, ako’y may namalayan
Kasama mo pala ang isa kong kaibigan
Nakakabinging katahimikan ang nanaig
Tila tayong dalawa lang ang nasa daigdig
Relasyon n’yong dalawa ay ipinagtapat
Isang nakahihimatay na pagsisiwalat
Ang aking kaibigan ay lumapit
Pagpapaumanhin ang isinambit
Luha ko’y nag-uunahang pumatak
Dahil sa mga narinig na masaklap
Isipan ko’y halo-halo ang pasya
Ipaglalaban ba, o magparaya?
Hindi ko alam kung ano ang gagawin
Kaya sinabi ko na lang, “Una siyang naging akin!”
napakaganda ng ung tula
isa kang tunay na makata
akoy na bilib sa bawat letra
na iyong pinagtugma tugma
:-)
I love it. So relate