tuwing sinasabi nilang ang pagsulat hinggil sa kalayaan
ay isa nang gasgas na tema
tuwing nag-aatubili ang pluma
sa pagsulat ng taludtod para rito
masarap titigan ang nagpupumilit na paggapang
ng sariwang usbong ng kalabasa–
sinasayawan nito ang bawat dipa ng lupang
nasasakop at nararating
matapos mailusot ang sarili
mula sa kumpol ng walang silbing mga damo
———
January 2, 2010
Oran, Algeria