1.
Kaytahimik ng gabi,
Ang isang binibini
ay sumubok humabi
letra sa tabi-tabi:
2.
Mag-ipon sa ‘yong gusi
Nang ika’y may mahasi.
Pagdating ng tagbisi*
ay di ka magsisisi.
*tagbisi – tagtuyot
3.
Ang taong bukas-palad
Ay madaling umunlad
Kamay ay nakalahad
Sa biyaya N’yang gawad.
4.
Sa tikatik na ambon
Umaawit ang dahon,
Sumisilong ang ibon,
Sumasayaw ang alon.
5.
Pag palasyo’y pinasok
Ng buwayang niluklok
Sistema’y mabubulok
Baya’y maghihimutok.
galing