Guro ko…
huwag mo na po akong turuan,
ng Ingles na wikang ayaw kong matutuhan,
ang lenguwaheng iya’y kinasusuklaman,
nitong aking dila’t mura kong isipan.
O! ang wikang iya’y gamit ng mayayaman,
ng mga palalo’t nag dudunong-dunungan.
alalaong baga’y upang mapagsabihan,
na sila’y marurunong at may pinag-aralan,
o! Ingles na wikang kaysarap daw kung pakinggan,
a! sa aking tainga’y himig ng kataksilan.
Mula pa nu’ng pagkabata’y Tagalog ang pinanimula,
niyo’ng aking nanay,sa pagtuturo ng wika.
gamit ay ABAKADAng luma at sira-sira,
na siyang nag-panday sa baluktot kong dila.
sa aming kapit-bahay na makain ma’y wala,
sa pakikipagtalastasan’y Tagalog ang s’yang salita.
sa aking kinalakhan’y iisa ang winiwika,
at hindi nagpipilit magsalita ng pa-isda,
na kaylaong malansa,lipas na at bilasa.
o bakit nga ba sa ngayo’y Ingles ang pinupunla?
a! iya’y maliwanag na sampal sa ‘king mukha.
O! aking guro, paumanhin,
kung hindi ko matanggap,
ang Ingles na wikang hindi ko mapangarap.
sapat na ang sa ami’y Tagalog ang nalalasap;
ang wikang ginagamit naming lahat na mahirap.
kaysa roon sa Ingles na wika ng mapagpantas,
pikit-mata kung lumunok, balatkayo kung gumanap.
Magalit man kayo, kung ayaw kong gamitin,
ang Ingles na wikang di ko man lamang masakim,
hanggang sa huling saknong ay aking ididiin,
Tagalog! ang winiwika ng isang Pilipinong magaling.
alam mo sasabihin ko na sa iyo ganyan rin ako noong una. makitid ang pag-iisip na sa aking isipan ay hindi ko na kailangang matuto ng inggles.kaya ngayon ay nahihirapan akong magsalita ng ingles. subalit nagbasa-basa ako ng mga libro at aking napagtanto na kailangan ko palang mag-aral ng ingles. dahil sa panahon ngayon ay kailangan ito. kaya nga minsan nagbabasa-basa ako ng mga ingles na babasahin. dahil sabi ng kaibigan ko isa laman daw ito sa step upang matuto ng ingles.
saka ang tagalog na sinasabi mo ay isa lamang dialekto dito sa pilipinas. ibig sabihin hindi siya ang wika ng lahat ng pilipino. dahil ang tagalog ay sinasalita lamang ng ilang bayan dito sa pilipinas. sa bulakan, batangas, rizal at iba pa. subalit ang tagalog ay naging batayan ng ating wikang pambansa : ang WIKANG FILIPINO. dahil narin ang tagalog ay may mga kaparehas na salita sa ibang dialekto na pareho ang ibig sabihin.
ang wikang pilipino ay lilinangin at papaunlarin ayon na rin sa itinadhana ng batas ngunit ito ay pinipigilan ni arroyo dahil ang gusto niya ay ang wikang ingles. kaya ang wikang filipino ay maraming hiniram na salita mula wikang kastila, sa wikang intsik, hapon, at iba pa. upang ito ay lalong umunlad. (paalala hindi lang ang ating wika ang nanghiram kundi ang wikang ingles rin. dahil ang lahat ng wika ay nanghihiram upang may ipangtumbas sila sa sariling wika).
hindi rin naman na ibig sabihin na nagsasalita ka ng ingles ay hindi mo na mahal ang bayan mo. ang pagmamahal sa ating sariling wika na sumasalamin na rin sa pagmamahal natin sa ating bayan ay kailngang nasa diwa at puso. sasabihin ko pa sa iyo na maraming pulitiko na gumagamit ng wikang Filipino para lamang masabing siya ay nagmamahal sa ating wika kahit hindi. upang siya ay iboto lamang ng mga mamamayang nabulag sa kanyang magandang pananalita. kaya wag tayong pauuto sa mga pulitikong iyan.
kailangan nating matuto ng wikang ingles upang ipagtanggol natin ang ating sariling wika. at kailngan natin itong pag-aralan upang hanapin ang kahinaan nito at palakasin ang ating sariling wika. kailangan maghangad tayong mga pilipino na ang wikang filipino naman ang maging universal language.
bisitahin mo itong website na ito http://www.sawikaan.net
Kung gayo’y parang sinabihan mo narin ako na makitid mag-isip?ahaha
kinatha ko ang tula na iyan dahil sa kabaliwan ng isang makata na katulad ko.
Wala akong pagkagalit sa ingles o sa alin pa mang wika sapagkat nagsasalita din ako ng wikang ingles kung hinihingi ito ng pagkakataon.
anu ka ba?katha lamang iyan,isang nilikhang humihinga ng isang manlilikhang kung twagin ay makata.Ang anyo ng tulang iyan ay diskusyon ng isang istudyante at nang kanyang guro.
Ang pagsabihan mo ay yaong batang estudyante.
“Ang ilog na tahimik
ay malalim,
samantalang ang
maingay ay mababaw”.
“Ang ilog na tahimik
ay malalim,
samantalang ang
maingay ay mababaw”.
kung ang ilog ay nag-iisip,
gugustuhin nyang maingay
upang akalain ng mga tumutunghay
sa kaniya na siya ay mababaw.
Nang sa ganoon isipin ng mga tao
na hindi siya mapanganib
at maari siyang lakaran at languyan.
Nguni kailan ma’y hindi nag-isip ang ilog,
pinilit nyang tinahak ang ang hangganan.
Nguni ang mga tumutunghay ay mapurol,
walang ninais kundi sa ang iba’y mang-ulol.
“ang isip moy pugad ng uwak”
tnx isa kang tunay at proud maging pinoy. sa2luduhan kita.
Nguni kailan ma’y hindi nag-isip ang ilog,
pinilit nyang tinahak ang ang hangganan.
Nguni ang mga tumutunghay ay mapurol,
walang ninais kundi sa ang iba’y mang-ulol.
“ang isip moy pugad ng uwak”
yung “nguni” mo ay hindi na ginagamit sa ngayon, “ngunit” na ngayon ang ginagamit na dating “nguni’t” o “nguni at” dahil na rin sa maraming pagbabagong ortograpiya ang nagaganap.
“Ang ilog na tahimik
ay malalim,
samantalang ang
maingay ay mababaw”.
ano ba sa tingin mo ang talinhagang ito ng “ilog” ang ilog na ito ay imahen lamang na ginawa ng makata. kung literal mo talagang babasahin talagang hindi nag-iisip ang ilog. subalit ang ilog dito ay tao. Isang tao na tahimik na ipinapakita na ang taong tahimik ay matalino baga o maraming nalalaman. samantalang ang mababaw ay walang alam o tanga.
ang kahalintulad ng ganitong pahayag na ang:
“Ang ilog na tahimik
ay malalim,
samantalang ang
maingay ay mababaw”.
ay
ang isang lata na walang laman ay maingay samantalang ang mayroong laman ay hindi maingay.
mayroon pa akong puna doon sa post mo sa iyong blogspot, dito ko nalang sasabihin. dahil hindi ako makapagpost ng koment doon dahil wala akong account.
yung tula mong ANG MAKATA ay may kaparehas na tula. bagamat iniba mo lamang ang ibang salita. Ang tulang ito ay ang tula ni Pedro Gatmaitan na ANG MAKATA
pati ang tulang ang punong-kahoy mo may pagkakalapit sa tula ni jose corazon de jesus na Isang Punongkahoy
pati nga ata ang tula mong ang tao ay mayroon din kahalintulad. tula ata iyon ni amado v. hernandes
malalalim na wika ng batangas
ang ganda ng mga opinyon at mga inpormasyon na linalagay niyo dito..
nakakatulong kayo sa mga taong may pagkukulang sa pagkilala ng ating bansa gayun din sa wikang Filipino.
Salamat po at pagpatuloy lng.. ^_^
isang dugo, isang ugat ng tunay na PILIPINO..
Mga Sir, pwede po ba magrequest nung tula ni Pedro Gatmaitan na “Pinaglahuan” kailangan lang po kasi. Salamat.