magasasaya ang mga wala
sa magarbong piyesta ng mga buwaya
lahad ang kamay
isang araw ng pantawid gutom
isang sandaling tiwalag
sa di matakasang kalagayan
huwad na bungisngis
demonyong ngiti
walang talab ang hiya
makapal pa sa pinagpatong patong na salapi
ang mukhang ilang eleksyon nang walang liban
malansa ang mga talahib sa kagubatan
nagsambulat ang mga dugo
sagupaang umaatikabo
walang palya walang hinto
ano’ng mayroon sa hangad na trono?
kakabug-kabog ang dibdib
ng mga gurong napilitang lumahok
sa sirko ng mga buwayang patok na patok
ilang tulad nilang inilibing ng Mayo
ang nilimot ng mga trapong tarantado?
2010
isang sirkong magarbo
lilipad ang pera sa bawat kanto
bubulwak ang dugo sa bawat dako
isang sirkong di matapus-tapos
bakit di na lang tayo magbaril sa ulo?