Tumatawa. Humahalakhak ang Payaso.
Pigilan ang alat
sa mga mata.

Hindi papawiin ng awa
o maililigtas ng ngawa.
Umuunawa, umuunawa ang Payaso.

Ngunit padaluyin ang luha,
ng mga tampalasang nilalang,
nang sa sobrang tuwa’y mangamatay.

Humahalakhak. Tumatawa ang Payaso.
Lumingon sa dilim,
sa sulok ng taimtim.

Hindi papawiin ng palaka,
o matutulungan ng barya.
Ang Payaso’y may kastilyo.

Sapagka’t hanggang kalawaka’y napapadpad,
ang Payaso ay mapalad,
Bundat ang tiyan. Putlain ang palad.

Tumatawa. Humahalakhak ang Payaso.
Kumakapit sa emosyon,
ng konklusyon.

Hindi papawiin ng pagdududa
o papalarin sa himala.
Ang Payaso’y nakahandusay. Musa’y may sungay.

Matatag ang mga paa ng Payaso.
Ang tampalasang nilalang, nakahimlay…
nagtatampisaw sa kasinungalingan.

Humahalakhak. Tumatawa ang Payaso.
Asin na ang basang-alat
sa mga mata.

Hindi papawiin ng panyo
o maisasalba ng pangako.
Ang pananalig ng Payaso’y lumulutang sa hangin.

Walang damdamin ang naghahatid
ng halakhak. Ang Payaso’y isang anghel
na naniniwala, na ang luha ay banal.

M.J. Rafal

magmasid...kumilos...lumaya! -----We do not have to visit a madhouse to find disordered minds; our planet is the mental institution of the universe.----- Johann Wolfgang von Goethe quote

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.