alam ko na ang araw ay sisikat din sa dakong silangan
ngunit tila naiinip sa pagdampi ng kanyang silahis

ang pangako ng isang bagong umaga…
…ng bagong pag-asa

kasabay ng iyong pagsilang
ay ang paggising ng mga nahimlay at nalulumbay

ang sumpa ng pagpapatuloy….
…ng pagsusumidhi

ngunit malamlam ang dampi ng init…
nagkukubli sa mga ulap.

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.