(Kina P/Insp. Rex Cuntapay, PO1 Marvin Agasen, at PO1 Alberto Umali*)

Sa ating bayan,
bawal ang magsabi ng katotohanan.
Bawal ang magsabing may katiwalian sa pamahalaan.
Bawal ang magsabing dinaraya ang mga halalan.
Bawal ang magsabing ang kawalang-katarungan at ang kahirapan
ay nag-aanak ng paghihimagsik ng mga mamamayan.
Bawal ang magsabing ang mga rebelde
ay hindi mga halimaw na nanunuklap ng mukha
at pumapatay nang walang dahilan.
Bawal ang lahat nito sa ating bayan,
sapagkat kabulaanan ang tanggulan ng mga namumuno
sa pamamagitan ng kinamkam na kapangyarihan.

*Sina Cuntapay, Agasen, at Umali ay mga pulis na sumuko sa new people’s Army (NPA) sa Rizal matapos ang isang pakikipagsagupa sa kanila nitong Enero 3. Halos tatlong buwan silang bihag. Sa mga pakikipagpanayam sa midya nang sila’y palayain noong Marso 27, positibo ang kanilang mga pahayag hinggil sa mga bumihag sa kanila.

Kamakaila’y napabalitang sila’y pinagbawalang lumabas ng kanilang baraks.

Alexander Martin Remollino was Tinig.com's associate editor. He was a poet, essayist, and journalist. He also wrote some short fiction.

Join the Conversation

2 Comments

  1. hello mr. alex, i am ur avid fan wen 8 cums to literature..can u please make a poem about homosexuality and please use my name…please…..

Leave a comment

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.