Di makakatulong ang pagbibintang,
‘yan ang sabi ng aking magulang,
hindi ko nga naman kasi nakita
kung sino ang kumukuha
ng kabang pinaghirapan
ng mamamayan,
kaya bakit ako magbibintang?
sabagay wala namang kasiguraduhan
sa mga ganoong usapan,
dahil magaling namang sumimple
ang iba diyan.
Ang sigurado ko lang,
mula noon pa man,
walang kakupasan,
pagkatapos ng halalan,
bilang pa rin ang balota ni tatang,
kahit sampung taon na siyang namaalam!

Zig Dulay

Si Zig Dulay ay nagtapos sa UP Baguio ng kursong BA Communications (Journalism-Broadcasting). Sa pamamagitan ng mga tulang nagpapahiwatig ng emosyon at pag-ibig, nagagawa niyang isalikop dito ang mga...

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.