Sa Pamunuan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas:

Kami ay mga kabataan, estudyante at mamamayan mula sa iba’t ibang dako at rehiyon sa bansa.

Kami ay pawang nagkakaisa para sa pagtataguyod ng isang malinis, mapayapa at tahimik na halalan ngayong Mayo 2007.

Alam naming batid ninyong nananatili ang mga haka-haka at pag-aatubili ng kabataan at mamamayan na muli na namang masangkot ang pamahalaan at militar sa isang kontrobersiyang elektoral. Sa dahilang ito, nakalulungkot na tila nawawalan na ng pag-asa at tiwala ang kalakhan ng kabataan mamamayan sa proseso ng eleksyon.

Gayunpaman, naniniwala kaming ang halalan ay isang sagrado at konstitusyunal na ekspresyon ng aming demokratikong karapatang bumoto at iluklok sa pwesto ang mga kandidatong nais naming mamuno sa ating mahal na bayan.

Gayundin, mariin ang aming paniniwalang hindi dapat na makialam at magkaroon ng papel ang Sandatahang Lakas, pulisya at maging ang mga ahensya ng pamahalaan sa sagradong prosesong ito.

Dahil dito’y buong-loob naming kinokondena at tinututulan ang kasalukuyang pagkahimpil ng mga elemento ng militar sa aming mga eskwelahan, pamantasan at komunidad. Sa aming palagay ay hindi nakatutulong, bagkus ay nakalilikha ng takot, pag-aatubili at kawalang-tiwala ang patakaran at kalakarang ito sa gobyerno at militar ngayong panahon ng eleksyon.

Kami ay nagkakaisa sa panawagang agad na paalisin ang mga militar sa aming mga eskwelahan, pamantasan at komunidad.

Kung talagang taus-puso ang militar at gobyerno sa pagtataguyod ng isang malinis at marangal na eleksyon ngayong darating na Mayo, maipapakita at mapatutunayan lamang ito sa pamamagitan ng direktang pag-utos ng pamunuan ng Sandatahang Lakas sa pamamagitan ng pinuno nitong si Pangulong Arroyo para sa agarang pag-alis ng militar sa aming mga eskwelahan, pamantasan at komunidad.

Nangangako kaming patuloy na magbabantay sa anumang anomalya at maling pamamalakad ngayong darating na eleksyon sa diwa ng sama-samang pagtataguyod para sa isang malinis at mapayapang halalan para sa kinabukasan ng kabataan.

Sign the petition at http://www.petitiononline.com/apr22007/

View current signatures here

Kabataan Party-list

Tinig.com

Isang e-zine para sa mga kabataang Pilipino ang Tinig.com. Naglalathala ito ng mga personal na sanaysay, tula, dula, maikling kuwento, balita at lathalain, komentaryo tungkol sa pambansang usapin, at iba...

Leave a comment

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.