makapal ka pa
sa pinagpatung-patong na salapi
na nakulimbat mo
sa kaban ng inalipusta mong bayan

wala nang hiya
ang itim mong nunal
tulad ng kawalanghiyaan mo
sa mga iskandalong iyong pinagbibidahan

lagi na’y nakalitaw
ang naglalakihan mong ngipin
nagsasawa na ang telebisyon, sabi’y:
sana’y ibang mukha sa susunod na taon

ngunit,
makapal ka
wala kang hiya
hindi ka na nanawa
sa siyam na taon na walang ginawa
kundi lakbay-kaway-pakikipagkamay-nakikilamay-pumapatay!

hanggang kongreso
balak mong ikalat ang iyong lason
ano bang balat mayroon ka?
isang buong angkan kunsakaling magwagi ka
–‘Tang’na! Alam kong hindi na!
ang magpipiyesta sa bulwagan ng buwaya!

anak ng tinapa!
anong sirko talaga’ng pulitika!

M.J. Rafal

magmasid...kumilos...lumaya! -----We do not have to visit a madhouse to find disordered minds; our planet is the mental institution of the universe.----- Johann Wolfgang von Goethe quote

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.