Paalam sa iyo, oh mahal kong tatay,
Sa iyong pagpanaw sa mundong ibabaw.
Masakit man sa ‘min ang iyong paglisan,
Aming tinatanggap, iyong kapalaran.
Sa iyong paglayo, kami ay luhaan,
Ang aming nadama, pawang kalungkutan,
Ikaw ma’y nawala, di kalilimutan,
Kaylanman ang iyong mga kabutihan.
Salamat sa iyo, mahal naming ama,
Magmula pa noon, gabay ka tuwina,
Ikaw man ay hindi na namin makita,
Sa puso at isip laging kapiling ka.
Alam ko na ako, di ulirang anak,
Kaya aking hiling, oh ama’y patawad,
Pangako sa iyo, gagawin pong lahat,
Upang makatulong kay nanay na liyag.
Paalam sa iyo, paalam oh itay,
Salamat sa iyo sa hiram kong buhay,
Dalangin tuwina sa Poong Maykapal,
Sa piling N’ya ika’y payapang manahan.
Paalam, Tatay
Leave a comment
ganda..nakakatouch!^_^
…sa kabilang buhay Syay naghihintay…
pag nakita muli ng ama ang anak,sigla at saya ang nadarama!
talagang ang buhay ay ganyan talaga
malungkot, mapanglaw ngunit may pag-asa
sa likod ng hirap na sa puso’y dusa
habang tumatagal lulugod ang saya
Sa pangamba bumubukal ang pag-asa
Sa pag-asang may pangamba nadadalisay ang pag-ibig
Ito ay para sa iyo Lupangtala
ako isang batang hnd ko kapiling ang aking magolang dhil sa pagttrabaho nila sa korean naka 10 year sila doon ito paring hnd ko na sila naki2ta sa
natouch aq ahaha e2 woh nag kacry cry aq,.,.,
nakakarelate,.,
tnx,.,