Lagas na pahina
sa mga librong
pinapapak ng alikabok
ang mga gunita
nilang naglaho sa panahon ng Sigwa.

Putok na nguso. Basag na bungo.
Putol na mga kamay at paa. Mga paso ng sigarilyo.
Gasgas sa likod. Saksak sa tagiliran.
Semilya sa ari.

Walang saplot. Basang tisert.
Duguang pantalon.

Nakasusuklam na pambungad. Malagim na bati,

ng mga pinalad. Natagpuan.

Mapalad. Sila’y mapalad.

Ngunit, sa mga nilamon, naglaho sa dilim?
Tuluyang inagnas ng alaala?

Walang bakas. Ni isang batong nakasaksi.
Ni ibong makahuhuni.
o punong nakikidalamhati.

Wala?

Wala! Wala! Wala!

A, kayo, kayong maysala.
Demonyong Kaharian. Ginintuang Trono.
Bakit sadyang nakangingiti pa?

Humahalakhak ang mga tarantado.

A, kayo, kayo’y duwag!
Umaasa sa dilim. Madilim na kinabukasan?
Hindi! Hindi kailanman!

Huwag pakasisiguro,
sa mga lagas na pahina. Nilagas kusa.
Magpapatuloy. Ipagpapatuloy,
ang Dakilang Epiko ng Masa.

M.J. Rafal

magmasid...kumilos...lumaya! -----We do not have to visit a madhouse to find disordered minds; our planet is the mental institution of the universe.----- Johann Wolfgang von Goethe quote

Join the Conversation

1 Comment

  1. huwaw! ang talim ng mga salita..
    kung nagagawa lang ng paghulagpos ng mga salita na palayain ang bayan sa kadilimang iyan.. di sana’y di na ko nagtangka man lang na lumisan ng bansa.. (sana’y naging mas matapang pa ako)

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.