Kapag dumapong muli ang mga ibon
At sa tabi mo’y muli silang magtipon
Hayaan mong sila’y paampon
At baka sakaling bumalik ang kahapon

Kapag lamig ng hangin sa iyo’y dumampi
At muling ibalik matamis nating sandali
Hayaan mong sa alaala ay matali
At baka sakaling mawala ang hapdi

Ngunit kapag ula’y ‘di na tumila
At pangarap ng puso’y tuluyang masira
Hayaan mong mata mo’y ipatak ang mga luha
Baka sakaling may sumibol na pag-asa sa lupa

At kapag kapalara’y biglang magpalit
At nadilig na lupa’y magmistulang langit
Hayaan mong sa tadhana ito’y maiguhit
‘Pagkat ang lahat sa ati’y muling mauulit

-gerald

29 December 2007

Gerald dela Cruz

tumutula tula... kapag lumulungkot lungkot... at umuulan ulan.

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.