Bakas sa bawat ugat sa bisig
Lantay na lakas, puhunang batid;
Bawat kilos, katapat ay patak
Butil-butil na pawis na bumabagsak.
Sa maghapong pagpapakapagod
Inaasam ang mamayang sahod,
Kung ‘di sa gatas ni bunso
Pagal na katawan ay susuko;
Ngunit pag-iigihan,
Para sa kanya, kaya’t pagbubutihan
Hinanaing ko’y simple lamang –
Kung bukas ay walang maipamasahe,
Paano na ang gatas ni bunso, bukas muli?
Manggagawa
Leave a comment
Ewan…
Kung bukas ang pag uusapan….
Siguro nga dapat paghandaan…
Pero gutom koy lumilipas din…
Hanggang pati isip koy tumitigil din…
Nagdidilim ang paningin…
Simukra koy bumabaliktad din…
Ano nga ba ang dapat..
Sabi mo masarap ang lumaban..
Kesa sa walang kalaban laban…
Sige buti pa pasimplehan na lang..
Mamatay o pumatay…
Ikaw?
ano kayang ibig ipahiwatig niyan!
tanga ba sumulat nito?o matalino?
hahaha gatas lng ba?bumili nlng xa ng baka para may gatas xa araw araw!!!!
I2ng tulang ito puro na lang hirap wala bang sarap???
Ang bukas na hintay nang lahat ng tao
huwag ng hintayin
sapagkat anong malay
natin kung wala ng
bukas na
naghihintay sa atin…
at baka ngayon na ang panahon
ng paggunaw sa
mundo……….
..mga baliw di niyo lang
nagets ibg sabihin ng tula..
hina nyu..pinapakita nya lng yng typkal n buhay
ng taong nagtatrbho tska kng para saan!!!!
mgicp nga kau…