Manang,
Musmos pa yata itong
walang muwang, batang
hinahatid-sundo ng yayang
nagtitirintas nitong buhok,
nagpupulbos nitong likod,
nagbibitbit ng bauna’t
nag-aakay sa pagtawid.
Ika’y tindera diyan, manang
Ng mamisong palamig
Tigtatlong pisong saba
Sa noo’y tinitingalang
Karitong bahay-bahayang
De kawali’t de kalan
Diyan ka, manang,
Nag-aarnibal ng palamig
Nagtitindag ng saging,
Habang itong musmos,
Sabik sa minindal,
Sa mapulang saging,
Sa palamig na maasim.
Dumaan ang mga taon,
At itong musmos, manang,
Lumaki’t nagkamuwang
Napayid kung saan-saan
Ni hindi na nga maalala
Na minsan nga pala, diya’y
May sabang tinuhog,
May palamig na minindal
Kanina lang manang,
Pinayid itong may muwang,
Sa parehong lugar
Sa parehong kariton,
Inuban na ang buhok,
Ikaw pa rin pala manang,
Ang nagtutuhog ng sagi’t
Nagtitimpla ng palamig.