Nakatayo ako sa sa kanto ng Kalaw Street at Taft Avenue sa Maynila. Sabi ng sobrang tingkad na sikat ng araw, baka mga alas dos na raw ng tanghali.

Naka-green ang stoplight kaya naman humaharurot ang mga jeep at FX sa kalsada. España. Quiapo. SM Manila. Nakatingin lang ako sa mga placards ng mga jeep. Di ko pa rin alam kung saan ako pupunta.

Ayaw ko pa kasing umuwi kasi masarap mamasyal. Tsaka hindi pa ako kuntento sa mga shots ko.

Galing kasi ako sa Luneta, bitbit and aking second hand SLR film camera. Naghanap ako ng subjects ng litrato para sa photography class. Maganda na pala rito, sabi ko. May Orchidarium na, na noon ay sarado pa sabi ng lalaking nagsisilbing guard at ticket vendor ng lugar. Ang huli ko kasing punta rito, di pa umaalis si Daddy para magtrabaho sa Saudi Arabia.

Tanda ko pa noon ang Japanese Garden na madalas pagpiknikan ng pamilya ko lalo na’t kakaunti lang ang lugar sa Maynila na mayroong fish pond. Dahil matamis pa rin naman sa tenga ang pangalang Japanese Garden, hinanap ko ‘to at sinubukan kong pumasok. Baka kasi makakuha ako ng matatamis rin na shots.

Nakunan ko ang isang pulubing natutulog sa isang malaking butas sa lupa na noon ay naglalaman pa ng tubig.

***

Sa isang unibersidad sa may Taft, naka-upo ako at dalawa ko pang kaibigan sa may bandang likod ng concert hall ng eskwelahan. Tutugtog kasi ang kaibigan ko na noong high school pa man ay mahilig nang magbanda.

Syempre, madilim sa kinauupuan namin, at nasisilaw lang kami sa ilaw sa entablado. Nabibingi na rin kami kasi parang hindi tinimplang mabuti ang sound system.

Pinapanood namin ang mga bandang hindi namin kilala. Ayos lang, nasabi ko. Uso naman ngayon ang mag banda–parte na yan ng kabataan. Nagsimulang tumugtog ang tatlong lalaki sa unahan –lahat sila, hanggang bewang ang haba ng buhok, at lahat sila, luwa ang mata at parang tatlong araw ng hindi pinakain ng magulang.

“Eto pong kantang ‘to ay tungkol sa bulok na sistema ng pamahalaan,” sabi ng lalaking may hawak ng mikropono.

Natuwa naman ako. “Ayos,” sabi ko sa mga kaibigan ko. Meron pa palang banda na gumagawa ng socially relevant na kanta. Tumingin sila sakin. “Ang tagal naman tumugtog nila Abu,” sabi ng kaibigan kong isa, na ang tinutukoy ay ang kaibigan kong may banda.

Maingay ang musika. Ang ingay ng gitara, ang lakas ng palo sa tambol at naguumapaw ang pagsigaw ng bokalista. Musika.

Pinakinggan ko silang mabuti, gusto ko kasi marinig yung lyrics ng kanta, kung gaano ba ‘to ka socially-related.

“…poweeerrr…. Grrraaaarrrr…”

“Huh? Ano raw?” tanong ko sa kaibigan ko. Hindi ko kasi naintindihan yung sinasabi.

“Power daw…” ang sagot ng kaibigan ko.

“…graaarrrr…. GRAAAARRR!!!!”

“POWWWEERRR!!!””

Natapos ang kanta na hindi ko pa rin nakuha kung ano ang sinasabi–o kinakanta, o baka naman isinisigaw–g bokalista. Sumakit lang yung tenga ko.

“O, Aika, nakuha mo ba yung social relevance ng kanta?” pang-aasar na tanong ng isa ko pang kaibigan.

Basta, may social relevance ang kanta nila
, napagdesisyunan ko.

***

“Ako po ay iboto nyo ulit sa susunod na halalan!” sabi ng matandang lalaki sa entabladong itinayo sa Plaza. Pamilyar ang mukha, madalas ko kasi siyang nakikitang nakadikit sa pader.

Maraming tao sa plaza. Kahit na halos magha-hating gabi na, pumunta parin ang mga tao sa Miting de Avance. Marami kasing kilalang tao ang nasa entablado. May ABS-CBN pa na nagko-cover. Karamihan sa mga manonood, bitbit ang mga anak nilang maliliit. Halatang ayaw iwanan sa bahay.

“Kapag po ako ay naupo ulit sa pagiging konsehal, ipinapangako ko po na ipagpapatuloy ko ang aking nasimulan,”

Sa bandang likod, may narinig akong sumigaw “Wala parin kaming tubig!”

Nagtawanan ang mga taong Sampaloc.

***

Nagbabasa ako ng isang music magazine. Nasa cover kasi nito ang paborito kong banda.

Hindi ko alam kung naligaw lang talaga, pero may nakita akong isang painting. Maliit lang ang litrato nito sa magazine, pero nanakawin kaagad nito ang atensyon mo.

May isang lalaki na nakadilaw na may bandanang dilaw rin ang nakabalot sa ulo. Napapaligiran sya ng iba pang lalaking nakadilaw.

Nakataas ang kamay ng lalaki, waring may isinisigaw ang kanyang mga braso. Nakatikom ang kamao. Kung titignan mo ang painting, parang nakatingin ang lalaki sa’yo. Masaya ang mga tao sa paligid nya, pero ang lalaki, may itinatagong paghihirap sa mga mata. Para bang pagod na sya sa mga nagyayari sa paligid nya.

Ang pamagat ng painting? Edsa lang ba ang Pilipinas?

***

Nakita ko na namang nakatayo ang sarili ko sa kanto ng Kalaw Street at Taft Avenue sa Maynila. Kagagaling ko lang sa Orchidarium na noon ay bukas na. Ang ganda na roon. Pagbalik ng daddy ko, dadalhin ko sya sa lugar na ‘yun.

Hindi katulad ng dati, alam ko na kung saan ako pupunta sa pagkakataong ito. Nakakuha na ako ng magandang shots sa kabubukas lang na Orchidarium. Sumakay ako ng jeep at naghanda na sa biyahe.

Aika Pascual

Matagal nang crush ni Aika Pascual si Atom Araullo. At nung araw na unang nakita ng dalaga sa personal ang kanyang crush, nawalan s'ya ng cellphone. Law of compensation? Malamang. Kilala...

Join the Conversation

32 Comments

  1. May mga malabo sa gustong palabasin ang konsepto. Gusto ba ng may-akda na ipakita ang kabalintunaan ng sinasabing pagiging makabayan? Kung ganito ang punto, kailangang ipakita ang totoong mukha ng pagiging makabayan. Hindi ito iyong pagtaas lamang ng kamay para sa “Panatang Makabayan” o kaya naman, ang pag-awit ng Lupang Hinirang. Muling repasuhin ang kuwento. Hindi dapat abstrakto kapag kuwento. Maari pa siguro sa tula. Ang kapayapaan ay sumaiyo.

  2. sori po hindi ko maintindihan ! kala ko pa naman maganda tapos ……
    magpraktis ka uli ha! para sa susunod magnificent na ang sasabihin ko! cge !

  3. ayon sa aking pag kakaintindi!!!!
    tinitukoy sa kwentong ito!!!!
    na ang tao ay dapat may malinaw na daan na tatahakin!!!!
    para hindi magkamali sa mga desisyong gagawin!!!!
    dapat ising mabuti ang mga

  4. ambigat naman…

    may mga parteng anlalim ng kahulugan..

    kung ang mga pilipino ay aware sa mga ganitong konsepto….
    maaari itong makatulong ng malaki sa pagpapaunlad ng ating bansa…

    kaya lang may mga taong walang pakialam!!!!

    salamat…

    blessed be!!

  5. honestly, i did not even tried to read this because of the comments that i saw.
    hehehe.. sowie

  6. ang galing mo,idol na idol kita,.paturo nga po,pwd?
    paano po ba ang umpisa,?

  7. Para sa mga nag-react na hindi nila na-naintindihan yung storya, malamang ay hindi kayo marunong umintindi. Malalim at maganda ang mensahing pina-aabot ng writer.

    Payo kong basahin ninyo ng paulit-ulit upang maintindihan ninyo ng mabuti.

    Binabati ko ang may akda. Magaling ka!

  8. na gets ko po ung theme nyo… pede poh pahiram nito para sa suring basa ko?
    thank u poh! God Bless..

  9. hmm…feeling ko..gusto sabihin ng may akda na kailangan niyang makakuha ng mga larawan upang maipakita ang kasalukuyang kalagayan ng lipunang kanyang ginagalawan at marahil ang mga isinalaysay sa itaas ang mga makikita mo sa mga larawang kanyang nakunan gamit ang kanyang SLR.
    hmm magulo diba? kasi magulo naman talaga sa Maynila.
    isinalaysay niya kung paano pumangit ang luneta.
    Kung paano nagkaroon ng social relevance ang isang kantang di mo maintidhan ang lyrics at syempre ang mga pulitikong nangangakong itutuloy ang mga nasimulang gawain na dapat ay tapos na bago pa man magkaroon ng panibagong eleksyon

  10. tanong ko lang po bakit po “lente” yung title ng article nyo? anu po ung connection nun dun po s story na sinulat nyo?tsaka ano po ung lesson or ano po ung gusto nyo iparating sa nagbabasa ng article nyo?:-?

  11. haaay naku!!!!!!
    walang kuenta
    hindi kami makahanap nang katutubung kulay!!!!!
    totnak kaung lahat!!!!!!

  12. sa totoo lang ndi ko alam kong ano ang nais mong ipakita sa mga nakasulat…. ang nakita ko lang ay ang pilipinas na walng pinagkatandaan. nabaon sa hirap sa kamay ng mga politokong ganid sa kapangyarihan.

  13. huh??? wala jud ko kasabot… bisan unsaon na lang nako ug basa, dili gihapon ko kasabot… hahai…

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.