Kung ako na lang sana ang iyong minahal,
Ikaw sana ngayon hindi nagdaramdam,
Ang puso mo sana ay hindi luhaan,
Hindi nagdurusa at nasusugatan.
Kung ako na lang sana ang iyong inibig,
Tunay na kayganda ng ating paligid,
Mga puso natin laging umaawit,
At kaligayahan ang laging kaniig.
Kung ako na lang sana ang iyong pinili,
Hindi sana ikaw maiiwang sawi,
Ikaw sana giliw masaya parati,
Sa piling ko’y hindi luluha’t hihikbi.
Kung ako na lang sana, kung ako na lang sana.
Sana tayo giliw kapwa maligaya,
Pagkat pag-ibig kong alay sa’yo sinta,
Wagas at dalisay sa tuwi-tuwina.

mike

Si Michael ay isang OFW sa South Korea. Kasalukuyan siyang head servant ng Baran Emmaus Filipino Community at regular na contributor sa mga newsletter sa Korea. Nagwagi siya ng unang gantimpala sa 2008...

Join the Conversation

1 Comment

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.