Unang nalathala sa Pinoy Gazette

Sinusunod na natin ang maraming bagay mula sa siyensya para sa produksyon ng pagkain. Bihira na tayong humingi ng ulan mula sa kung sino mang maligno sa ating kapaligiran. Natulungan na tayo ng siyensya para sa ating mga desisyon para sa produksyon ng ating pagkain.

Sa ngayon nakaamba ang krisis sa pagkain lalo na sa supply ng bigas. Sinasabi sa atin ng Malakanyang na walang krisis pero nagsasabi ang ating karanasan at kaalaman sa siyentipikong pagsusuri na may problema ang sinasabi ng palasyo. Alam nating kapag tumataas ang presyo ng isang bagay maaaring wala na itong supply: O baka merong kartel na nagmamanipula; o may kartel at walang supply.

Kung pakikinggang mabuti ang Malakanyang at ilalapat ito sa nangyayari, mukhang mayroong itinatago sa atin ang pamahalaan. Nakakagigil ito dahil batayang pangangailangan ang pagkain, aktibista ka man o hindi.

Heto ang ilang lumalabas sa pagsusuri ng ilang sector kung bakit nga ba may nakatutok na krisis sa bigas at pagkain sa ating bansa:

1. Kulang ang produksyon. Ito ang dalawang dahilan sa maraming dahilan:

a. Maraming taniman na ang kikokonbert sa ibang bagay maliban sa gawin itong taniman para sa pagkain. Halimbawa dito ang pagkonbert ng mga lupaing pang-agrikultura na maging subdibisyon para makaiwas sa land reform. Minsan meron mang taniman ayaw namang magtanim ang magsasaka dahil nalulugi sila.

b. Matagal na tayong importer ng palay simula nang nakibahagi tayo sa globalisasyon. Kaya lang sa ngayon mukhang nagkakaubusan din ng palay sa ibang bansang pinagkukunan natin ng bigas. Hindi tayo maka-import.

2. Kartel. May ibang tao (minsan kasabwat ang ibang taong gobyerno) na nagtatago ng bigas para mawalan ng supply sa market, para tumaas ang presyo. Kapag mataas na ang presyo, saka magbebenta ang mga ganid na ito para mas malaki ang tubo.

Kaya yung siyentipikong pagiisip na natin ang nagsasabing kung gusto nating magkaroon ng rice security o food security kailangan maglaan ng lupa para sa ating pagkain.

Kung may krisis na talaga sa pagkain ang mga hindi nagagamit na lupa (at marami nito ang maraming malalaking panginoong maylupa). taniman ng mga pagkain. Alagaan din ang mga magsasaka, kung maaari ay bigyan ng lupain para makapagtanim. Kailangan ding gawing
pangunahin sa ating policy ang “local food production” kabaliktaran sa pag-i-import ng pagkain na patakaran ng pamahalaan.

Kailangan ding buwagin ang kartel. Kilala naman ito ng gobyerno at political will lang ang kailangan para mabuwag ang mga ito. Pero kung bahagi ka ng kartel, papaano mo nga naman bubuwagin ang iyong sarili?

Para sa kumentaryo, puwede ninyong i-post sa: http://pinoygazette.blogspot.com/).

Join the Conversation

5 Comments

  1. Ang krisis sa pagkain ay hindi lamang nagyayari sa ating bansa. Ito’y problema ng buong mundo sa kasalukuyan. Sa aking sariling pananaw, hindi naman siguro dapat na isisi natin ang nangyayaring krisis sa Gobyerno ng Pilipinas.
    Sa aking pagkakaalam, tayo ay biktima ng pandaigdigang kakulangan sa pagkain. Ang dahilan, mataas na presyo ng langis sa pandaigdigang merkado na nagmula pa noong 2007. Sa pagtaas ng presyo ng langis, karugtong nito ay pagtaas sa presyo ng mga bilihin.
    Huwag niyo sanang masamain ang aking komento na ito subalit ako’y nababahala sa patuloy nating pagsisi sa Pamahalaang Arroyo na siyang dahilan ng krisis sa pagkain. Sa aking pagsasaliksik, unti-unti kong nalalaman na ang ugat ay wala sa ating bayan lamang kung hindi ay mula sa pandaigdigang kalakaran na kung saan ay naaapektuhan lamang tayo. Huwag niyo din sanang isipin na ako’y makagobyerno, dahil ako ay hindi nila sugo. Isa lamang ako sa mga taong gustong ibahagi ang aking iniisip at resulta ng aking pagbabasa at pananaliksik.
    Sana buksan natin ang ating isipan. Bakit hindi natin subukang magsearch kahit sa google (ng salitang food crisis) man lamang. Siguradong mabubuksan ang inyong isipan sa totoong nangyayari hindi lamang sa ating bayan kung hindi pati na rin sa buong mundo.

  2. binasa mo ba ang artikulo? Parang tsinambahan mo lang ang kumento mo,e.

    please read again. you wil find out that to some extent I agree with you.

  3. Cno ba dapat sisihin sa mga nangyayari ngayon? Di ba may budget naman para sa mga bigas at iba pang mga kakailanganin. Saan na napunta ang mga malalaking halagang iyon? Dapat nga sila ang nagbibigay tulong sa mga tao hndi para ibulsa ang pera ng bawan. Ano bayan.. Wala silang paki-alam kung ano ang mangyayari sa mga taong nagugutom na. Napakaselfish naman nila. Hindi nila tinitingnan ang mga taong naghihirap.

  4. sana bigyan tugon ng gobyerno ang ating problemamang kinakahrap upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang ating bansa at mamamayan pilipino.

Leave a comment

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.