K-ayrami mang pangarap na dito’y nabuo,
Marami ring pag-asa na dito’y gumuho
Tagumpay na hangad agad na naglaho,
Kaya sa pag-uwi luhaan at bigo.
O-o nga sabi nila, okey sa Korea,
Trabaho may hirap, malaki ang kita,
Ngunit pa’no yaong luhaan mga mata?
Pagkat naghihirap, laging nagdurusa.
R-obot na matatawag, maraming Filipino,
Pagod man di pwedeng pumalag, magreklamo,
Kapag natapatan, kuripot na amo,
Walang ibibigay sa ‘yong benepisyo.
E-xtrang bayad sa gabi, hindi ibibigay,
Kung ika’y mamalasin, ikaw pang kakaltasan,
Dormitoryo’t pagkain, minsan pati ilaw,
Ikaw ang magbabayad, ´lang magawa tutol ka man.
A-ng tanging sandata, taos pusong panalangin,
Taos pusong pagtawag sa Diyos na maawain,
Sa Kanya ilapit lahat ng hinaing,
Upang dito sa Korea, tagumpay ay kamtin.