Natitiyak kong ang isyung ito ay pangkaraniwan na lamang sa pandinig sa karamihan sa ating mga Pilipino. Ito kasi ang kasalukuyang aralin namin sa History. At tulad ng karamihan sa ating mga Pilipino, nais ko ring malinawan sa kung sino ba talaga ang tunay at karapatdapat na maging Pambansang Bayani.

Para sa akin, sina Jose Rizal at Andres Bonifacio ay kapwa karapat-dapat na maging pambansang bayani. Pareho sila ng prinsipyo at hangarin — ang ipaglaban ang karapatan nating mga Pilipino at kamtin ang kalayaan ng ating inang bayan.

Base sa mga narinig ko, marami sa kanila ang nagsasabing si Andres Bonifaco ang karapat-dapat na hiranging pambansang bayani sapagkat talagang lumaban siya at nagbuwis ng dugo. Kung babasahin natin ang kwento ng “Sigaw sa Pugadlawin” masasabi nating, handa talaga si Bonifacio na ibuwis ang kanyang buhay alang-alang sa ating bayan. At si Rizal ay walang ginawa kundi ang magsulat.

Subalit — hindi naman sa pinapanigan ko si Rizal — di ba sa mga sulat ni Rizal, namulat ang Pilipino sa katotohanang masasama ang mga Kastilang sumakop sa ating bayan? Kung titingnan natin sa kabuuan, ang pakikipaglaban ni Rizal ay kakaiba sa lahat ng mga bayani. Karamihan sa ating mga bayani ay nakikipaglaban sa pamamagitan ng madugong labanan, subalit si Rizal ay nakikipaglaban sa mapayapang paraan.

Sa nabasa kong aklat na pinamagatang “Rizal without the overcoat” ni Ambeth R. Ocampo isa sa mga sulat ni Rizal ay ganito ang sinabi:

The step that I have taken, or am about to take is undoubtedly very risky, and it is unnecessary to say that I have pondered on it a great deal. I know that everyone is opposed to it, but I also realize that no one knows what goes on in my heart. I cannot live knowing that many are suffering unjust persecution because of me. I prefer to face death and gladly give my life to free many innocent persons from this unjust persecution.

Sa sulat na ito, makikita natin na tulad ng ibang mga bayani, si Rizal din ay handang ibuwis ang kanyang buhay para makamit ang kalayaang ating inaasam-asam.

Para sa akin, ang pagpili o para tawagin kang isang bayani, hindi lang dapat gawing basehan kung ang isang tao ay sumabak sa isang madugong pakikipaglaban; hindi lang sa katapangan — kundi gawin din nating basehan ang isang prinsipyong “lumaban nang walang dugong aagos.”

Kung sino man para sa inyo ang tunay na bayani, karapat-dapat sila dahil, sila ang nais ng puso at isip ninyo. Kaya si Rizal man o si Bonifacio ang pambansang bayani — silang dalawa ay parehong karapat-dapat.

Join the Conversation

50 Comments

  1. Si Ka Andres lamang ang dapat tanghaling pambansang bayani. Si Rizal ay na diklara dahil siya ang pinili ni William Howard Taft (hari ng imperyalista noon).

  2. Joseph B. Smith’s “Portrait of a Cold Warrior” (1987) page 275. Pakana ni Taft ang lahat.

  3. si andres bonifacio ang dapat na tanghaling pambansang bayani at hindi si rizal.

    “di ba sa mga sulat ni Rizal, namulat ang Pilipino sa katotohanang masasama ang mga Kastilang sumakop sa ating bayan? Kung titingnan natin sa kabuuan, ang pakikipaglaban ni Rizal ay kakaiba sa lahat ng mga bayani. Karamihan sa ating mga bayani ay nakikipaglaban sa pamamagitan ng madugong labanan, subalit si Rizal ay nakikipaglaban sa mapayapang paraan”.

    -sa mga sinulat ni rizal ay walang namulat na mga pilipino! bakit? dahil ang LAHAT NG sinulat ni rizal ay nasa wikang BANYAGA, nasa wikang kastila at hindi sa ating sariling wika!at paano mammumulat ang mga pilipino nang mga panahong iyon kung hindi sila nakakaintindi ng wikang kastila? dahil si rizal ay pumapabor pa rin sa mga kastila at hindi sa kanyang mga kababayan dahil ang isa sa mga propaganda niya ay ang gawin lamang lalawigan ng espanya ang pilipinas at hindi bilang nagsasariling bansa.

    at kung hindi dahil kay bonifacio hindi mababasa sa tagalog ang mga sinulat ni rizal. dahil siya ang nagsalin ng mga ito. upang lubos na maunawaan ng mga pilipino kung ano ang ibig nitong ipabatid.

    at ano mang iwas sa madugong labanan. ito ay hindi maiiwasan.

  4. jose rizal man o si andres bonifacio!? pareho lang silang bayaning pilipino,pareho silang handang magbuwis ng buhay para sating mga pilipino sabi nga iisa lang ang gusto nilang mangyari, ang ipagtanggol ang ating mga karapatan. Kaya sana wag nating husgahan ang bawat isa sa kanila.

  5. [quote]jose rizal man o si andres bonifacio!? pareho lang silang bayaning pilipino,pareho silang handang magbuwis ng buhay para sating mga pilipino sabi nga iisa lang ang gusto nilang mangyari, ang ipagtanggol ang ating mga karapatan. Kaya sana wag nating husgahan ang bawat isa sa kanila.
    [/quote]

    -sa pagtatanghal ng ating pambansang bayani kaillangan nating pumili ng isa. katulad sa pagpili sa iyong dalawang manliligaw kailangan mong pumili sa kanilang dalawa. kahit na mahal mo silang dalawa. At ang pipiliin mo ay mas matimbang sa iyo hindi ba. ganoon rin sa kanila rizal at bonifacio kailangan isa lang ang piliin sa kanila. bilang ating pambansang bayani.

    – sa pagpili kay rizal bilang pambansang bayani at hindi si bonifacio ay nagkaroon ng paghuhusga. dahil ang paghuhusga ay hindi maiiwasan. sa ginawang paghuhusga na iyon ay nagkaroon ng diskriminasyon. bakit? dahil si bonifacio ay hinusgahan at ang panghuhusga na iyon ay isang malaking pagkakamali.

  6. Ang paghuhusga ay kailangan para maituwid ang ating kasaysayan na binaluktot ng puwersang Imperyalista.

  7. si rizal ang gusto dahil hindi naman kailan na mamatay ka sa pakikipag laban. si jose rizal ang pambansang bayani ko pero kahit si andres bonifacio ang ang gusto nyo sino man sa kanilang dalawa pareho naman silang lumaban sa kanilang sariling paraan si rizal ay sumulat ng kwento na nag mulat sa tao sa ginagawa ng kastila at si bonifacio ay naki pag laban at binuwis ang kanyang buhay para tayo ay magin malaya.

  8. kung sa mga oras na ito ay pagdedebatihan pa rin kung sino nga ba ang karapat-dapat na hiranging pambansang bayani ng pilipinas, sa palagay niyo ba’y natutuwa ang mga bayaning pinag-uusapan ninyo..? tanggapin na lang natin ang masarap na katotohanang may mga katulad nilang hindi nanghinayang na ibuwis ang mga buhay alang-alang sa tinatapakang lugar ng mga pilipino. ke rizal man o bonifacio, ang mahalaga’y lumaya tayo sa kamay ng mga mapang-aliping kastila (na pilit inaagaw sa aitn ngayon ng gobyerno)…’wag na nating pagtalunan pa kung sino ang dapat na twaging pambansang bayani natin, kung tutuusin, maituturing na mga dakilang bayani ang lahat ng pilipinong nag-alay ng buhay sa pilipinas, nakilala man o hindi, gumawa man ng pangalan o hindi, simpleng mensahero man hanggang sa pinakalider ng mga kilusan…ang dapat nating itanong sa ating mga sarili ngayon, sa panahong ito, kaya mo pa kayang maging rizal o bonifacio ng henerasyong ito?

  9. Maari po bang itanong? Ano po ba ang mga pamantayan kung sino ang pipiliin bilang pambansang bayani? Sino ba ang pumili kay Rizal bilang pambansang bayani? Sinu-sino ba ang pinapiliian bilang maging pambansang bayani at bakit?

  10. kaya pinili si rizal dahil may mga pamantayang sinunod, at iyon ang gusto kong mabasa sa inyo indi un mga gusto niyo at mga saluobin nyo sana tulungan niyo ko salamat.

  11. actually,rizal ang bukod tanging pilipino na maaaring itanghal bilang pambasnasng bayani sa pagkat ginamit nya lng ang patpat n panulat laban sa mga kastila. Si Rizal ang pambansang bayani sapagkat siya ang naging dahilan ng pagkakagising ni Andres Bonifacio sa katotohanan na ang mga Kastila ay mapagsamantala at manggagamit.

  12. The name Jose Rizal and Andres Bonifacio are some of the well-known personalities that have been mentioned in the annals of Philippine history. The exemplary deeds that they had done for our country; in order to achieve freedom from the hands of the Spanish colonizers is worth to be remembered specially by the present generation. Indeed, their heroism is well done.
    Apparently, there are some students, faculty, leftist, writers, critics and even we perhaps questioned the credibility of Rizal when he got the title of being our “Philippine National Hero” why not Bonifacio which results to the existence of pro-Bonifacio and anti-Rizal or pro-Rizal and anti-Bonifacio. The comparison of these two personalities and made endless debate of who should be our national hero is much discussed in the environment of academe.
    Moreover, to give you a little background, Jose Rizal was a son of an educated parents and belong to a wealthy family. All siblings of Rizal’s family had gone to school. Jose studied in Ateneo and University of Santo Tomas and had gone to Europe for further studies. He finished medical course specializes in Ophthalmology and made known for his talents in writing, painting, sculpturing, fencing and others. He fought the Spanish tyranny through a propaganda battles by means of using his pen in critiquing and exposing the defects of Spanish governance. He died in front of the Spanish and Filipino crowds by a firing squad on December 30, 1896 due to a false accusation of instigating Philippine revolution. Thus, his charisma for the elite and intellectuals are proven strong.
    On the other hand, Andres Bonifacio was a son of a farmer and belongs to a poor family. All siblings of Bonifacio’s family had not even finished high school due to economic instability. Andres at early age had to work hard and carries big responsibilities for him to help his family. Andres represents the grassroots of society that were/are usually exploited, abused, maltreated, and marginalized one. He proved to be a good organizer when he established a revolutionary movement called “Katipunan” in 1892. He fought the Spanish tyranny by using bolos and guns, thus, encouraging bloody revolution.
    Sadly, he was executed by his co-katipuneros on May 10, 1897 which was not made known to many Filipinos due to a false accusation of betraying Philippine government. Jealousy and greediness of power brought Andres to death. Thus, his strong charisma for the masses is pretty obvious.
    Now, would it be fair for these two personalities that are extremely opposite to be compared? Would it be fair for a rich man to be compared by a poor man? Would it also be fair for a poor man being compared with a rich man? Would it be fair for a doctor to be compared by a farmer? Would it be fair too to a farmer to be compared by a doctor? Where is fairness if an educated man who attained the higher degree of education being compared to a man who didn’t even finished high school and vice versa. Come to think of it……
    But one thing I am sure of, that these two personalities have in common, they are both brave and great heroes of their time. They both wanted freedom for the Filipinos that long been controlled by the Spaniards. So, do not compare and stop using each others weaknesses and flaws in order to put down one another. If Rizal and Bonifacio would still be alive, definitely, they don’t want to be compared. Who wants to be compared anyway?

  13. who should be our national hero?..is it rizal or bonifacio?

    oh my..ols help me nman..may debate kami.. need more informations here about bonifacio.. sa side ako ni bonifacio..

    pls. help bkit hndi krapat dapat s rizal at dapat c bonifacio..

    ano ba ang mga negative side ni rizal?
    positive bi bonifacio?

    pls help me nman.. kulang pa yong nalalaman ko..need more information..

    cge na..bka babagsak kami nito..

    kelangan namin manalo..

    ahhhhhhhhhhh….

    mahal pa nman ng tuition ngaun..tpos babagsak lng..

    cge na..clss standing nmin to!

    help..

    e-mail nyo lng po ako if you can help me..
    sweetvan_1417@yahoo.com

    thanx po kung may tutulong po..

    tatanawin ko ng malaking malaking malaking utang na loob..

    haba na comment ko..

    mrami pa pla akong librong babasahin..haaaaaaa

    GOD BLESS US ALL…

  14. Para sa akin, C andrew Bonifacio and dapat Maging pambansang Bayani.

    Ang basehan kc ng pagiging ng isang pambansang bayani ay ang pagiging Marcist.

    Ayon sa kanila, dapat isang rebelde na lumaban para sa kalayaan ang maging isang bayani.

    Hindi masyadong lumabas kay rizal and pagiging rebelde.

    ang isa pang dahilan ay ang mga americano ang nagdeklara na c rizal and ating pambansang bayani dahil
    C rizal kc ay ixang americanized canonized hero.

  15. Rizal was already considered to be a hero EVEN before Taft declared him to be the Phil’s national hero. Rizal was a Filipino made hero, but the American’s made it official.

  16. Jose Rizal o Andres Bonifacio? This question doesnt have an answer. it will just be a matter of who the person feels in his heart is the real hero. if you feel it’s Rizal, that’s good! if it’s Bonifacio, that’s good too! for me, i feel in my HEART that Andres Bonifacio is the real hero. And whoever is against it, i’ve got 2 words for you, SUCK IT!!!!

  17. plsss…. give me a very bright and good reason why ANDRES BONIFACIO ang karapat dapat na maging NATIONAL HERO natin…. meron po ksi kming debate and its boys versus girls at meron akong boy classmate na npka galing mkipagdebate!!!!! plsss… help me….. im in the side of sang-ayon na ma si ANDRES BONIFACIO ang maging Pambansang Bayani natin!!!!
    MARAMING SALAMAT PO!!
    AND BY THE WAY IM 12 YEARS OLD… AND I REALLY AM NEEDING YOUR HELP!!!

  18. hi guy’z help me nmn….

    who should be our national hero?..is it rizal or bonifacio?

    oh my..ols help me nman..may debate kami.. need more informations here about bonifacio.. sa side ako ni bonifacio..

    pls. help bkit hndi krapat dapat s rizal at dapat c bonifacio..

    ano ba ang mga negative side ni rizal?
    positive bi bonifacio?

    plzzz.. tnx poh..

  19. si Rizal talaga dapat ang bayani. Nais niyang makamit ay FREEDOM; at hindi INDEPENDENCE na inaasam ni bonifacio..
    Nais ni Rizal na magkaroon muna ng edukasyon ang mga pilipino bago tuluyang lumaya sa mga espanyol.. sa ganoong paraan, Makakamit na natin ang FREEDOM at the same time kaya na rin nating maging INDEPENDENT kasi edukado na tau eh.. We can be able to handle our country and our own government… Kaso sa history natin, parang yung independence agad ang nakuha eh, wala masyadong edukasyon at freedom.. Kaya tingnan mo ang pilipinas ngayon!!! Hanep!!!

  20. Ang nagmitsa sa paghihimaksik ni Bonifacio ay si Rizal. Tinatag ni Rizal ang La Liga Filipino upang imulat ang mga pilipino pro di ito nagustuhan ng nga kastila na naging dahilan ng kamatayan ni Rizal……. Idolo ni Bonifacio si Rizal kya nang malaman nya ito tinatag nya ang KKK at sinabing ipagpapatuloy nya kung ano man ang nacmulan ni Rizal. Kung baga c Rizal ang bumuhay sa lahat ng mga Pilipino nun kasama na si Bonifacio….

  21. uber!!!!!! tnx sa mga comment nio meju ng ka idea ako para sa defense namin nice!
    hrap ksi mkipag dibate kpag wla kang knpwledge ,,,
    :lol2:

  22. uber!!!!!! tnx sa mga comment nio meju ng ka idea ako para sa debate namin nice!
    hrap ksi mkipag debate kpag wla kang knowledge ,,,
    :lol2:

  23. eheeeem!!!! jaffa in d hauz…,

    sa tingin q0h… aq dapat ang bayani….wqahahahaha lols=)

  24. Gusto ko makilala ang nag gumawa ng magandang kwento nola rizal at bonifacio ang ating mga bayaning nag buwis ng buhay para saating mga pilipino.
    malaki ang pakinabang nito lalong-lalo na sa mga kapwa natin pilipino at lalong- lalo na rin sa mga bata. dahil sa ginawa mo pwedeng maging huwaran ng mga bata ang mga bayaning katulad ni Andres at Rizal lalo na sayo> : :-p :lol:
    eugenefederipe@yahoo.com

  25. i bet for bonifacio. .i think he made a right decision to start the revolution. the main fact why luzon and visayas were colonized by several conquerors is that we keep on hesitating to react. we keep on waiting for hopes and change to come. hintay tayo ng hintay but we never act a single thing to achieve it. .hindi ba kau ngtataka why the colonizers never invade mindanao? dhil lahat cla kaugali ni bonifacio. . and that is what lack in us all

  26. Kung kei Rizal keo boto n mging hero ..
    bkit pg su2lat lng ang knyang gnwa , ? Dba dapat kei Bonifacio tyo? dhil , ndi nmn tyo lalaban kung ndi dhil s knya , kc c RizaL idinadaan niya Lng s pg su2lat , ano kya mara2ting nun ? atska , kastila at ingles ang sulat ni Rizal , si Bonifacio lng ang nag bgay kahulugan at siya ang nag salin pra maintndhan ng mga pilipino , kung ndi lng kay Bonifacio , hanggang ngaun INDIYO pdn ang twag niLa s atin .

    – i vote for Bonifacio .. kc debate nmin bkas .. at panig kmi kei BONIFACIO
    just sharing Lng ..

  27. Si Jose Rizal ay pinili sa kadahilanang maipagmamalaki raw ng pilipinas dahil siya ay
    – Nag aral sa ibang bansa at naglakbay pa sa maraming bansa
    – Siya ay duktor
    – Siya ay pintor
    – Siya ay may gf na puti at kayumanggi at marami ring tagahanga
    – Sila ay mayaman
    Si Andres Bonifacio ay
    – nakapag aral ng elementary lamang
    – nagbebenta ng papel na pamaypay sa kalye
    – nakatira sa mahirap na lugar (tondo) at isang kahig isang tuka lamang

    yan po ang pamantayan ng pagpili sa hero ng pilpinas…kahit ngayon ay pareho din di ba?

  28. ang kaaway ni rizal ay ang mga spaniards. . so hindi na sya nagsulat ng tagalog words. . ang kanyang mga nobela ay para sa mga spaniards. .

  29. ulo hanggang paa sino ang mas mukhang pilipino? sa bihis kahit sa mga nagawa… si no ang mas dapat? bonifacio

  30. PARA SA KIN SI bonifacio ang karapat dapat maging bayani dahil handa sya magbuwis ng buhay ara sa tin

  31. for me they can be both our hero because the two of them are ready to give their lives just to save our country:))opinion only:))

  32. jujuju nakukutaw isip ku… bonifacio ang pinapanigan ko sa debate were in fact both of them ay karapatdapat. pwde dalawa ang national hero?

  33. Rizal is the best and the real Hero !!!! Napakalaking tulong ang nagawa niya, Ang pag boto sa kanya bilang bayani ay talagang pinag isipan… Salamat sa Noli Me Tangere and El Filibusterismo. Dahil sa kanya naibunyag ang kasinungalingan ng mga pinaggagawa ng mga prayle. As he stated “Even Moses and Jesus Christ didn’t say a little word of PORGATORY”, and because of that my mind opened about the things which people today do about their religion’s rituals and traditions, I discovered those are not biblical like “Rosary and even signing of Cross” I don’t know where it came from and what do it mean..

  34. para saakin si rizal dahil ayaw nya lumaban gamit ang sandata na maaring makasakit ang gusto lamang nya iparating ay ang peace tanong, satingin nyo ba pag lumaban ka na may napatay peace ba yun di ba hindi , kay hindi siya lumaban gamit ang sandata lumaban siya gamit ang lapis at papel

  35. Bakit si rizal ang dapat na maging bayani at hindi si bonifacio?
    Simple lang
    Dahil iyon ang kanilang napag botohan

  36. parehas lang po ! kase magkaiba man sila ng pamamaraan , iisa lang naman yung layunin nila na makamit yung kalayaan para sa ating bayan..

  37. Para sakin si Bonifacio ehh… kasi pangit sya hahah….pareho silang pangit ni Rizal hahaha

  38. Guyzz pls. Help me po kasi po may debate po kmi bukas ehhh nasa side po ako ni Rizal
    Gusto ko po malaman kung bakit po kailangan na si Rizal yung ating pambansangbayani
    Sna po may sumagot po ng tanong ko ksi po kailangan na kailangan ko po malaman ehhh
    Tnx po sa mga magbibigay ng sagot sa kin????

  39. para sakin both kasi lahat naman talaga sila may layunin talaga na mapalaya ang pilipinas sa espanyol pero sa class kasi namin magdedebate rin kmi kung sino talaga ang karapat dapat kung si bonifacio o si rizal eh nasa panig ako ni rizal eh pero kung ako lang both talaga sila ….

  40. pero thank you atleast may maipapakita ako para sa aming debate !!! hehehe ….thanks

  41. Debate namin bukas !
    #Bonifacio
    Siya ang dapat na bayani sa bansa dahil walang magagawa ang pagsusulat kung ang ginagamit ng mga kalaban ay dinadaaan sa madugong labanan at yun ang ginagawa at ipinaglalaban ni bonifacio para saating bansa .. si Rizal sulat lang ang nagawa dahil dun lang sya matapang .. eh si bonifacio may alam naman sya may naisulat din naman sya dba? … hay naku

  42. DO SOME RESEARCH BEFORE SAYING THAT “SULAT LANG NAMAN ANG GINAWA NI RIZAL-“.DO YOU KNOW THAT WRITING NOVEL THAT TIME IS NOT ALLOWED.

  43. Guys Pa help po…About lang po kay Andres Bonifacio,may debate po kami sa monday..I need more knowledge about her…

  44. for me they both wanted our country’s freedom ang problem lang is bakit kinukumpara ang dalawa instead of appreciating all of their sacrifices for our country. huhu how i wish i was able to go back at that time for me to tell them that people are proud to them both for making our country free from colonizers…

Leave a comment

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.