Sa pagitan ng bawat buntong hininga
lumalakbay ang diwa patungo sa kung saan
Kinakain ng lungkot
Nagiisa sa kawalan
Lumulutang.
Isang bilanggo sa sariling kulungan
Rehas na nilikha ng emosyong pilit na kumakawala sa maliit na espasyong unti-unting gumagapang sa bawat himaymay ng laman.
Lumuluha.
Luhang dulot ng mga ngiting biglang nawala sa isang kisapmata…
ngiti na minsang umaapaw sa pusoâ€t kaluluwa
Ngiti na dati ratiâ€y nanghehele sa diwang gising sa magdamag.
Pilit na hinahanap
Naliligaw
Natagpuan ko na lamang sa isang kahapon
Masaya’t mapait na kahapon..
at ang kahapon ay isa na lamang pangarap
Pangarap ng isang bukas

– kisapmata

kisapmata

Isang batang Tondo na nakikipagsapalaran sa disyerto.

Join the Conversation

2 Comments

Leave a comment

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.