Ikaw ang pinakamagandang panaginip ko kahapon,
Na nais isaisip sa habang panahon,
Kaya tadhana nawa ay tumugon,
Buksan ang palad nito nang pag-asa ko’y bumangon.

Ikaw ang panalangin ko sa langit,
Hiling ay makasama sa bawat saglit,
Kaya ihip ng hangin nawa ay magpalit,
Dalhin ka sakin at ‘wag nang mawaglit.

Ikaw ang paru-paro sa hardin ng mga damdamin,
Binibigyang buhay mundong madilim,
Kaya mga pakpak mo sana ikaw’y dalhin,
Maligayang lumipad patungo sa akin.

Ang lahat-lahat sa akin ay ikaw,
At sa buhay ko’y nagsisilbing tanglaw,
Kaya sa ala-ala ng kahapon ay ‘di bibitaw,
Malagot man ang hininga, ikaw sa puso ko’y malinaw.
28 August 2007

Gerald dela Cruz

tumutula tula... kapag lumulungkot lungkot... at umuulan ulan.

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.